Facebook

ITIGIL NA ANG POGO!

HINDI totoo na nagpapanhik ng bilyon-bilyong taxes ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at ang operasyon nito ay dahilan pa ng maraming gawaing kiriminal sa bansa.

Meron lang marahil na “tumotolongges” kay Presidente Ferdinad ‘Bongbong ‘ Marcos Jr. at nagsasabi or sumisipsip na ilang trusted niya na malaki ang pakinabang ng bansa sa POGOs.

Natatandaan ko pa noon sa isang hearing, sa Senado, sinabi ng mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na masyadong suspetsoso ang transaction ng POGOs mula 2017 hanggang 2019.

Kahit na mula noong 2020 hanggang ngayong 2022 ay peligroso at salot lang ang dinulot ng POGOs.

Umano ay maraming nilalabag ang mga POGOs gaya ng E-Commerce Act; ang iba ay sangkot sa drug trafficking, at iba pang paglabag sa batas sa di-maayos na pagbabayad ng buwis.

Pero may ibang ayaw maniwala, kasi kailangan daw ang revenue mula sa POGOs para masustenahan ang malaking gastos ng gobyerno, sanabagan!

Noon daw 2019, kumita ang gobyerno ng humigit-kumulang na P7 billion pero, sabi ng mga kontra sa operasyon ng Chinese online gambling, maliit ang kinikitang ito kumpara sa revenue mula sa rice tariffs (P12.3 billion), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) remittances noong 2018 (P21.48 billion) at iba pang dagdag na kita mula sa higher and new excise taxes ngayong 2020 (P63.2 billion).

At ngayon mgang 2022, sabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno ay maliit na ang ipinapasok na kita ng POGOs kaya nasabi nito na dapat ipasara na ang operasyon ng POGOs.

Ang masakit pa, marami sa POGOs ay tax evader, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na 12-14 lamang sa mahigit 50 registered POGOs ang talagang nagbubuwis.

E, sino ba ang nagbibigay ng maling impormasyon sa Malacanang, ang regulator ng POGO, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation PAGCOR)?
***
Kung ang sinasabi ng Pagcor ay kumikita sila ng ilang bilyon kada taon dahil sa operasyon ng POGOs, ang Bureau of Internal Revenue (BIR), kumikita naman ban g maayos mula sa operasyon ng POGO.

Expert sa pag-iwas sa taxes ang mga POGO operators, sabi dati pa ni Sen. Sherwin Gatchalian na kung tutuusin at kung magiging masigasig sa pagkolekta ng buwis ang gobyerno, di mawawalan ng P40 to P50-billion ang BIR.

Paano nakapandadaya ang mga operator ng POGO sa hindi pagbayad nito ng tamang buwis?

Eto pa ang nakakabuwisit sa POGO: yung kakaunting rehistradong POGO ay ayaw nang magbayad ng licensing fees.

Sabin ng BIR karampot lang daw sa kakaunting rehistrado ang nagbabayad ng five percent Philippine franchise tax, at ano ang katwiran ng mga tinamaan ng lintek?

Kasi raw, offshore sila, nasa labas ng ating jurisdiction, pero mali ito, kasi nagrehistro sila sa Pagcor, ibig sabihin, nasa poder natin na buwisan sila, di po ba?
***
Balasubas na sa buwis, ang dami pang dalang problema sa sosyedad itong POGOs na kaya dito sila nag-o-operate kasi ilegal at bawal na bawal sa China ang sugal.

Ano-ano ang dalang krimen at kabuwisitan ng mga Chinese POGO operator at ang mga employees at sugarol ng online gambling na ito?

Maraming Chinese ang nahuli na sangkot sa kidnapping ng kapwa nila Chinese; sangkot sila sa prostitusyon, money laundering, illegal employment, kidnapping, extortion, torture at murder.

Posibleng sangkot din sila sa illegal drug trade at ang nakakatakot, marami sa empleyado ng POGO umano ay mga sundalo at opisyal umano ng People’s Liberation Army, totoo ba ito?

Hindi malayo na sila ay naririto na patagong nag-eespiya?

At ang pangamba natin na ang daan-daan libong Chinese na pumapasok sa bansa ay mga may kasong kriminal at carrier pa ng COVID-19 pandemic.
***
Ay, naku, bukod sa COVID-19, may dala pang sakit na tulo at gonorya ang mga ito.

Pera na lang ba ang mahalaga sa panahon ngayon?

Hindi na ba nito aalalahanin ang masasamang epekto nito sa ating lipunan.

Makabubuting timbangin natin ang benepisyo at masamang epekto ng POGOs sa ating lipunan at ekonomya.

Sana makinig naman ang Pangulong Marcos sa hinaing ng bayan.

‘Wag lang ng mga bulong ng iilang trusted niya sa Malakanyang.

Marami sa kanyang mga “trusted” ay hindi katiwa-tiwala.

Para sa akin, dapat nang itigil ang operasyon ng POGO.

Piryud.
***
Para sa inyong suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post ITIGIL NA ANG POGO! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ITIGIL NA ANG POGO! ITIGIL NA ANG POGO! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 22, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.