Facebook

4Ps scammer timbog sa Caloocan

NAHULI sa entrapment operations ng Caloocan City Police ang isang babaeng nagpapanggap na empleyado ng DSWD para makapanloko.

Kinilala ni Caloocan City Police OIC, Colonel Ferdinand del Rosario, ang naaresto na si Myra Table, 43 anyos, taga-Padas Alley, Barangay 12, Caloocan City.

Batay sa intelligence report, nagpapakilang product development manager ng DSWD si Table at modus nito ang manghingi ng pera sa mga biktima kapalit ang benepisyo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.

May ilang biktima ang nagreklamo na nahingan ng higit P3,000 processing at membership fee para mapabilang na benepisyaryo ng 4Ps.

Mahaharap si Table sa kasong syndicated estafa at usurpation of authority.

The post 4Ps scammer timbog sa Caloocan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4Ps scammer timbog sa Caloocan 4Ps scammer timbog sa Caloocan Reviewed by misfitgympal on Setyembre 22, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.