Facebook

Maguindanao plebiscite: Ilang botante maraming beses nakaboto

IBINUNYAG ng grupong Interfaith Movement for Peace and Clean Elections (IM4PEACE) na nagkaroon ng iregularidad o illegal acts sa plebisito na nagresulta ng mataas na voters’ turnout.

Unang humiling ang IAM4PEACE na ipagpaliban ang botohan ng dalawang buwan upang bigyang daan ang komprehensibong information campaign hinggil sa mga isyu sa usapin ng paghahati ng lalawigan.

Ayon kay IM4PEACE Co-coordinator Goldy Omelio, meron silang 72 monitoring volunteers sa 26 barangays ng pitong bayan sa lalawigan para i-monitor ang botohan.

Ayon kay Omelio, sa Nuling, Sultan Kudarat, maraming residente ang ilang beses na nakaboto.

Sa Kabuntalan, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Upi at South Upi, pinayagan aniya ng Plebiscite Committee o Plebcom ang ilang botante na sila na lamang ang bomoto para sa iba pa nilang mga kaanak, kaibigan at kapitbahay.

Sa Kabuntalan, may barangay officials din na nag fill-out ng maraming plebiscite ballots.

May mga hindi na nakaboto sa Datu Blah Sinsuat dahil pagdating sa presinto may pumirma na sa kanilang pangalan sa voters’ list.

Sa harap ng kanilang mga nadiskubre, inirekomenda ng grupo sa law enforcers na tiyakin ang seguridad ng mga lugar na tumutol sa paghahati sa lalawigan.

Mahigit 5,000 ang bumuto ng ‘NO’ sa mantalang mahigit 700,000 ang bumuto ng ‘YES’ at ang turnout ay mahigit 99 percent, ayon sa Comelec.

Hinamon ni Omelio ang gobyerno na magsagawa ng independent investigation sa nadiskubre nilang iregualaridad sa ratification ng RA 11550 na naghati sa Maguindanao para mabuto ang Maguindanao del Norte at del Sur.

The post Maguindanao plebiscite: Ilang botante maraming beses nakaboto appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maguindanao plebiscite: Ilang botante maraming beses nakaboto Maguindanao plebiscite: Ilang botante maraming beses nakaboto Reviewed by misfitgympal on Setyembre 22, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.