Facebook

College student tiklo sa kotong sa nakilala sa socmed

TIMBOG ang isang third year college student na nangikil at nagbanta sa babaeng nakilala niya sa social media.

Inaresto ng mga ahente ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nangongotong na si Lucky John Martin sa entrapment operation sa isang hotel sa Quezon City.

Ayon sa biktima, nakilala niya si Martin sa isang dating app nitong buwan lang. ‘Di nagtagal ay sinuyo na raw siya nito.

Lingid sa kaniyang kaalaman, patagong nire-rekord ni Martin ang kanilang mga pribadong video call para gamitin na pang-blackmail sa kaniya.

Ayon kay NBI spokesperson Atty. Giselle Garcia-Dumlao, una ay pera ang hinihingi ni Martin sa biktima kapalit ng hindi pagpapakalat ng mga pribadong video.

“Dahil wala namang maibigay na pera ang ating victim, sinabi nalang [ng suspek] na makipagkita at mag-checkin sila sa hotel,” ani Dumlao.

Hindi itinanggi ni Martin ang paratang sa kaniya at humihingi na siya ng tawad sa biktima.

Inaalam pa ng NBI kung may iba pang nabiktima si Martin, na nahaharap sa paglabag sa Anti-Photo and Voyeurism Act.

“Kakasuhan din natin siya ng grave threats,” wika ni Dumlao.

The post College student tiklo sa kotong sa nakilala sa socmed appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
College student tiklo sa kotong sa nakilala sa socmed College student tiklo sa kotong sa nakilala sa socmed Reviewed by misfitgympal on Setyembre 22, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.