Facebook

EDUKASYON PINAHAHALAGAHAN SA QC JAIL!

SUMASALUDO ang ARYA sa sinserong panunungkulan ni QUEZON CITY JAIL WARDEN, SUPERINTENDENT MICHELLE BONTO dahil naisakatuparan nito ang hangaring matulungan ang mga taong nasasadlak sa rehas o yaong mga tinaguriang PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY (PDL) na sinuportahan ng QUEZON CITY GOVERNMENT sa liderato ni MAYOR JOY BELMONTE ang mabigyan ng EDUKASYON ang mga nasadlak sa piitan.

Nitong nagdaang linggo, ang QC GOVERNMENT ay lumagda ng memorandum of understanding sa QUEZON CiTY JAIL MALE DORMITORY (QCJMD,) at sa FERNANDO C. AMORSOLO SENIOR HIGHSCHOOL para sa kapakanan ng mga PDL na habang nasa piitan ay maaring maipagpatuloy ng mga ito ang kanilang basic education sa pamamagitan ng kauna-unahang senior high school program na alok ng SCHOOLS DIVISION OFFICE.

Kaya naman, mapalad ang mga PDL sa QC JAIL dahil mayroong JAIL SUPT. BONTO at MAYOR BELMONTE na kapuwa may malasakit sa kapakanan ng mga nasa piitan.., siyempre pa, si SUPT. BONTO ay magandang katuwang sa liderato ni BJMP JAIL DIRECTOR ALLAN IRAL para mapagbago ang buhay ng mga naligaw ng landas o naging kriminal dulot ng mga hindi napigilang sitwasyon sa galaw ng lipunan.., upang sa kanilang paglaya mula sa pinaglagiang rehas ay may magagamit ang mga PDL para sa pagpapanibago nilang buhay at kabuhayan.

Sa programang inilaan sa mga PDL, ang QC GOVERNMENT ay isasalang ang TECHNICAL VOCATIONAL AND LIVELIHOOD (TVL) STRAND na ang mga mapag-aaralan ay Home Economics (HE); Bread and Pastry Production, Cookery and Commercial Cooking; Information and Communications Technology (ICT); Animation and Computer Programming at Shielded Metal Arc Welding (SMAW)..

“Karapatan ng bawat mamamayan ang magkaroon ng maayos na edukasyon. Dito sa lungsod, hindi tayo papayag na maging hadlang ang katayuan o sitwasyon sa buhay para hindi makapag-aral. Sa QC, ang edukasyon ay pantay, inklusibo, at bukas para sa lahat,” pagpapahayag ni MAYOR BELMONTE.

Kung makatapos ang mga PDL ay makakamit ng mga ito ang NATIONAL CERTIFICATE LEVEL II (NC II) sa oras na maipasa nila ang COMPETENCY-BASED ASSESSMENT ng TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA)!

***

NATIONAL PEACE CARAVAN NGAYON NG MGA MUSLIM!

Sa diwa ng pangkapayapaang ninanais ng pangkalahatang mamamayan ay maglulunsad ngayong Sabado ( September 24, 2022) ang NATIONAL COMMISSION ON MUSLIM FILIPINOS (NCMF) ng NATIONAL PEACE CARAVAN sa iba’t ibang panig ng ating bansa.

Kada-taon sa buwan ng September simula noong taong 2004 sa pamamagitan ng PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO.675 ay isineselebra sa ating bansa ang iba’t ibang aktibidad upang maipakita at maipahayag ang layuning maisakatuparan at mapanatili sa sambayanan ang PEACE, JUSTICE & EQUALITY.

Sa isinagawang press conference nitong tanghali ng Huwebes ay inihayag ni NCMF SPOKESPERSON YUSOPH MANDO, na ang isasagawa ngayong Sabado ay bahahi ng programang NATIONAL PEACE CONSCIOUSNESS MONTH 2022 na ang tema ay “PAGKAKAISA AT PAGHILOM: ISANG BANSA PARA SA KAPAYAPAAN”.

Aniya, pangungunahan ng NCMF ang MOTORCADE ngayong Sabado na magsisimula sa kanilang NCMF CENTRAL OFFICE sa JOCFER BLDG GROUND, COMMONWEALTH AVE, QUEZON CITY na babagtas sa MANDALUYONG CITY, MAKATI CITY Hanggang sa MANILA.

Ang aktibidad ng NCMF ay hindi lang umano mga MUSLIM COMMUNITY ang kalahok kundi maging NON-MUSLIM ay makikibahagi para sa MOTORCADE na coordinated sa mga LGU at sa METRO MANILA DEVELOPMENT AUTORITY (MMDA) para sa kaayusan ng daloy sa trapiko.

“This is essential to ensure that the future generations in the country grow up with an enlightened understanding of peace and never opt for war. Yes, attaining peace is not easy and requires a lot of effort from all members of the community,” pahayag ni NCMF SPOKESPERSON MANDO.

Ang mithiin ng NCMF at ng gobyerno ay sinsero sa pag-asam nang mapayapang pamayanan.., yun nga lang may mga elemento na nagsisilbing gumigiba sa bakod ng kapayapaan.., hindi lamang mga MUSLIM ang may grupo ng TERRORISTS kundi maging CHRISTIAN man ay marami ring TERRORISTS na ang sanhi ng rebelyon ay karaniwang likha ng mga GAHAMAN at GANID na mga PERSONALIDAD ng ilang CROOKED POLITICIANS.., na sana ay makonsensiya ang mga tiwali at matutunan ang makataong gawa para sa kaganapan ng KAPAYAPAANG MITHI NG SAMBAYANAN!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post EDUKASYON PINAHAHALAGAHAN SA QC JAIL! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EDUKASYON PINAHAHALAGAHAN SA QC JAIL! EDUKASYON PINAHAHALAGAHAN SA QC JAIL! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 22, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.