Dahil sa bagyong “Karding” ay. pinaalalahanan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng Public Telecommunications Entities na maging maagap sa serbisyong komunikasyon sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Sa Memirandum Order No. 05-04-2011 ay inaatasan ang mga Telcos sa pagtiyak ng supisyenteng bilang ng technical at support personnel gayundin ang mga standby generators na may extra fuel, tools at spare equipment sa lahat ng lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Sa ulat kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) September 22, 2022 alas-11 ng gabi, ang bagyong “Karding” ay nananatili ang lakas nito patungong westward ng Philippine Sea. Iniulat din ng PAGASA na itong tropical cyclone ay inaasahang magpapatuloy ang lakas sa pagtahak sa Philippine Sea at maaaring hahantong sa matinding tropical storm category bago ito manalasa sa kalupaan
“You are directed to fast track the repair and restoration of telecommunication
services in the service areas that will be severely affected by the typhoon. Further, you are also directed to deploy Libreng Tawag and Libreng Charging
Stations in strategic areas that will be affected by the typhoon,” nilalaman ng direktiba ng NTC.
Pinaalalahanan ang mga Telcos na makipag-ugnayan ang mga ito sa Local Government Units (LGUs) at ipairal ang istriktong health protocols upang maiwasan ang hawaan ng coronavirus disease (VOVID-19).
Inaasahan din ng NTC na kada-6 oras ay magsusumite ang mga ito ng status updates sa mga ongoing restoration activities na isinasagawa ng bawat network o Telcos hanggang sa kanilang full restoration of service.
The post TELCOS PINAALALAHANAN NG NTC! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: