Facebook

GOBYERNO TULOY ANG LABAN VS CPP-NPA

Muling aapela ang Department of Justice (DOJ) sa naging ruling ng Manila Regional Trial Court.

Ito ay kasunod ng pag-basura ng Manila RTC Branch 19 sa petisyon ng DOJ para sa proscription na inihain noong 2018 para ideklarang terrorist group ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang military arm nito na New People’s Army (NPA) base sa Section 17 ng Republic Act 9372 o ang Human Security Act of 2007.

Sa 135 pahinang desisyon ng korte, ipinaliwang ng korte na hindi aniya naorganisa ang CPP-NPA para sa terorismo.

Ito ay hiwalay pa mula sa kaso na inihain sa Court of Appelas na humahawak sa kaparehong kaso salig sa ilalim ng bagong batas na Anti-Terrorism Act of 2020.

Kinuwesttyon naman ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang pagbasura ng korte sa proscription case laban sa rebeldeng grupo kayat maghahain aniya sila ng motion for reconsideration.

Giniit pa ni Remulla na maaga pa para magbigay ito ng hatol sa pagbasura ng Manila RTC sa argumento na ang rebellion ay isang uri ng terorismo.

Sa inihaing proscription case ng DOJ, layon nito na makakuha ng clearance para magsagawa ng wiretapping, freezing at mabusisi ang bank accounts o anumang assets , records maging ang properties ng CPP-NPA leaders at mga miyembro nito.

Mukhang di magandang precedent ito sa mga kasong maaaring idulog sa ating mga hukuman kaugnay nang pagpapatupad o pag-alisunod sa Anti-Terrorism Act na kamakailan lamang nagkabisa.

Mukhang setback rin ito sa ating pamahalaan at sa peace and order sa pangkalahatan.

Hindi gaanong ramdam dito sa Metro Manila ang presensiya ng mga maka-kaliwang grupo ngunit sa kanayunan o countryside, malaking sagabal ito sa pag-unlad sa ekonomiya ng mga pamayanan doon.

Malaking problema rin ito sa kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan at ng mga negosyo.

Patuloy pa ring nagpapatupad ang CPP-NPA na mga tinaguriang “revolutionary taxation” sa malalaking negosyo kung saan pumapatak ito sa kasong extortion laban sa mga lehitimong mangangalakal na nabibiktima.

Inaasahan natin na hindi susukuan ng pamahalaang Marcos Jr. ang pagkondena at pagturing sa CPP-NPA bilang kalaban ng estado.

At maging si Justice Secretary Boying Remulla na nasa forefront na pakikidigma sa grupong ito sa legal front ay nagsasabing gagamitin nito ang bawat letra na nakapaloob sa ating Konstitusyon upang ganap na madeklarang “terrorist group” ang CPP-NPA-NDF.

Momentary setback lamang ang naging desisyon ng Manila RTC at naniniwala si Remulla na ganoon din ang pananaw ng lahat ng sektor ng lipunan partikular na ang pulisya at militar na kadalasang biktima ng mga pananambang ng maka-kaliwang grupong ito.

Kaisa ang inyong abang lingkod sa pananaw na ito ng ating mga lider base na rin sa kasaysayang ating nakamulatan na natin mula ng tayo ay magkaisip.

Iba’t ibang Pangulo na ng bansa at nagpalit-palit ngunit wala pa rin linaw kung ano talaga ang ipinaglalaban ng maka-kaliwang grupong ito na sa halip na maging instrumento upang tulungan ang mamamayan na umasenso ang buhay ay gulo at pangamba pa ang dala sa kaisipan ngh taongbayan.

Kinokondena rin nating ang “massive recruitment scheme” ng CPP-NPA-NDF sa ating mga mag-aaral partikular na sa mga kolehiyo at unibersidad para magtanim ng maling kaisipan sa ating mga kabataan.

Nagpupunla ng maling ideolohiya at bakutok na katwiran ang mga ito alinsunod sa maka-komunismong paniniwala na may bahid ng karahasan at poot.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post GOBYERNO TULOY ANG LABAN VS CPP-NPA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GOBYERNO TULOY ANG LABAN VS CPP-NPA GOBYERNO TULOY ANG LABAN VS CPP-NPA Reviewed by misfitgympal on Setyembre 22, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.