Pinatigil ng pulisya ng Caloocan City ang mga operasyon ng ilegal na sugal sa lungsod. Talaga? Bakit naman? Dahil ba sa hindi nagbibigay o kulang ang bigay ng mga nagpapasugal? Hehehehe.
Ayon sa atin insider, hindi naman ang patungkol sa weekly intel ang dahilan ng pagpapatigil. E ano!? Nahalungkat lang naman ang isang pangyayari sa isang saklaan noon pa…ang isyu ay nagtalo ang dalawang mananaya. Nag-agawan sila sa panalo. Sinasabi na isa sa dalawa ay namatay.
Salamat sa dalawang mananaya dahil kung hindi sa kanila ay hindi matigil ang operasyon ng ilegal na sugal sa lungsod. Pero ang tanong, hanggang kailan naman kaya itong sarado? Hanggang bukas? Hanggang sa susunod na linggo? Alam naman natin na kapag lumaylo na ulit ang isyu, e balik sa dati ang lahat. Ano pa ng aba!? He… he… he…
Bagamat, ipinamalaki at ipinagyabang pa nga ng pamunuan ng Caloocan Police Kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na tigil ang operasyon ng mga sugal sa lungsod. Ganun! E ang tanong, na niniwala naman kay si Mayor Along? Ano sa tingin mo Caloocan Police OIC Col. Ruben Lacuesta, naniniwala ba si Mayor Malapitan? Malamang na hindi este, ewan natin.
Heto nga ang nakatatawa, sa kabila naman ng impormasyon na ipinasara ng Caloocan City Police ang mga sugalan, e sinabayan naman ito ng pagbubukas ng operasyon ng bookies sa lungsod. Oo, may mga nagsara pero nagsibukas naman ang operasyon ng bookies ng karera.
Ha! Ano ito Mayor Along, tila’y may nangyayari yata kalokohan sa lungsod. Maging ng apala ang peryagal nga ni alyas Marissa ay nagbukas din at lantaran ang operasyon. Naging tambayan pa ng mga adik at tulak ang pasugalan ni Marissa.
Balik tayo sa bookies sa karera…oo, hindi lamang isa ang nagbukas na bookies ng karera sa lungsod kung hindi dalawang grupo ang nagbukas – dalawang bangka kung baga.
Siyempre, hindi mawala diyan si alyas Danny Kamote ang orihinal na magbu-bookies sa lungsod. Dahil nga sa mainit ang pangalan ni Danny Kamote Q sa City Hall lalo na kay Mayor Malapitan makaraang suportahan ang nakatunggali ng alkalde noong panahon ng eleksyon, ang ginawa ni Danny ay pamangkin niya ang pinatatakbo sa bookies niya. Kung baga, ang pamangki niyang si alyas JR Kamote Q, he..he..he… ang namamahala ngayon. Minabuti ni alyad Danny na si JR ang magpatakbo para bagong mukha naman at para itago kay Mayor Along. Ha! Hoy, hindi kayo makalulusot kay Mayor Along. Tiyak na ipasasara kayo agad. Di ba OIC Lacuesta?
Bukod sa pagbabalik ng grupong Kamote Q (hehehe), nandyan naman si alyas Egay Larazus (aba, ito ba iyong namatay at binuhay uli)? Hehehehe…Oo, sinabayan din ni Egay ang pagbiubukas ng grupong Kamote Q. Kaya, hindi lang isa kung hindi dalawang grupo ang nagpapabookies ngayon sa lungsod. Ipinagmamalaki ni Egay n amalakas daw siya kay Mayor Along. Aba, name dropping ka pa ha.
Para hindi rin mahuli ang pa-bookies ni Egay Lazarus, siya ay nagpapakilalang bata-bata ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Naku po.
Ano pa man, Mayor Along, mukhang taliwas yata ang ulat sa inyo na tigil na ang mga pasugalan sa Caloocan. Huwag na po natin hintayin pang maging mitsa ng kaguluhan sa lungsod ang bookies nina alyas EGAY LAZARUS at grupo ni KAMOTE Q. maging ang peryagal ni Marissa. Huwag nang hintayin pang maulit ang nangyari sa isang saklaan noon.
The post Bookies nina Kamote at Egay sa Caloocan, mitsa ng kaguluhan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: