Facebook

Carla ‘di pa rin nagsi-sink in na divorced na kay Tom; Kuya Boy inamin, palaos na kaya need na magbalik-TV

Ni ROMMEL PLACENTE

SA panayam kay Boy Abunda ng ABS-CBN, inamin niya na napakahirap magdesisyon kung ano na ang susunod niyang hakbang patungkol sa kanyang television career. Pero inamin niyang gustung-gusto na niyang bumalik sa telebisyon at magkaroon muli ng show.
Matagal nang nababalita na babalik siya sa GMA 7 at kasado na rin ang magiging projects niya sa Kapuso network. Pero nilinaw niya na wala pa siyang final answer sa lahat ng offers sa kanya.
Sabi ni Boy,“That’s not an easy decision. As I talk now, hindi talaga madali. Hindi ako nagsisinungaling sa pagsabi kong ‘di ko pa alam. May mga kausap na ako pero wala pa akong pinipirmahan.”
Patuloy niya,”Ang maganda, I will make sure that I will not burn bridges kung matuloy ako sakali kung TV5 o GMA 7. I will make sure makikipag-usap ako nang matino.
“I value relationships. That’s what makes the whole process difficult. I will always say na nag-umpisa ako sa Channel 7 kung saan ako natutong lumakad.
“Sa ABS-CBN, lumipad ako. At sa dami ng tumulong I did not do this alone. Ang hirap talaga dahil ang dami kong relasyong pinapangalagaan.”
May mga tao raw na nagsasabi sa kanya na huwag nang lumipat.
“Doon ako sa nakakaunawa sa sitwasyon kung nasaan ako ngayon. Kasi ‘di naman na ako 28 years old.
“I’m not starting a career. I’ve been doing this for so long. Malapit na akong malaos, for the lack of a better word. All of us go. If there’s one immutable law in showbiz, it is nothing lasts forever.
“So I’m at that stage where I want to go back to television. I want to be able to do what I can do best,” mariin pa niyang sabi.
“I wanna go back to television. That much I will say, I wanna go back to television. Ako ay napunta sa digital platform by circumstance. Hindi naman ako digital expert, hindi naman ako digital native.
“Natuto ako because I wanted to do my interviews at sa awa ng Diyos, napagbigyan tayo nang konti. Napagbigyan tayo nang malaki, actually,” sabi pa ni Kuya Boy.
***
AYON kay Carla Abellana, hindi pa nagsi-sink in sa kanya na divorced na siya sa dating asawang si Tom Rodriquez, lalo na’t hindi pa naman ito ipinatutupad sa Pilipinas.
“Hindi pa. You know why? Because number one kasi, divorce doesn’t exist in the Philippines. ‘Di ba alam naman natin ‘yan, either legal separation lang ‘yan or nullity ng marriage,” sabi ni Carla sa interview sa kanya sa podcast na ‘Updated with Nelson Canlas.’
Patuloy niya,”So dahil ang foreign ng divorce ay wala kasi sa atin, hindi pina-practice dito, hindi pa siya fully nagsi-sink in kasi sa ibang bansa pinrocess eh, it was processed in the United States kung saan existing ang divorce.
“Dito kasi hindi, of course iba ang ating legal system dito. So technically, kumbaga ‘yung mind ko, fully aware naman na, yes, divorce technically. Kumbaga when I go to the United States, divorced ako doon, single ako ulit, I am free, ‘yung ganu’n ba.”
Para sa aktres, iba pa rin ang pakiramdam kung ganap na kinikilala na ang diborsyo sa ating bansa.
“I don’t know, maybe sa akin lang ‘yon, sa mind ko lang ‘yon. Pero kasi iba pa rin ‘yung sa atin ‘pag recognized na ng mismong local court natin, ng legal system natin. Iba pa rin ‘yung, ‘Okay, divorced ka doon, single ka na.’ Pero dito hindi, so hindi pa siya nag-si-sink in,” aniya.
Diretsahan ding sumagot si Carla na hindi iisang bagay lamang ang dahilan ng breakup nila ni Tom.
“I cannot answer that question kasi madami, madami pong dahilan. Hindi po mababaw, hindi po ganu’n kadali, hindi po iisang bagay lang. Talagang maraming reasons as to why [we parted ways]. Madami naman talaga.”
Ayon pa kay Carla, hindi pa siya kinakausap ni Tom, na huli niyang nakita noong Pebrero. Nalaman din niya mula sa kanilang manager na lumipad patungong Amerika si Tom noong Marso.
“But since then, walang phone calls, no text messages, nothing,” sabi ni Carla.
“Since then, wala talaga ever since. So it’s been what..more than six months na walang ganu’ng communication. Dahil hindi na rin naging maganda ‘yung mga nangyari eh, seryoso na talaga and ibang usapan na, lawyers were already involved. Umabot sa point na ‘yung lawyers na lang ang nag-uusap.
“So definitely, no communication since February, mga ganiyan, March. So ang tagal na no anything. No phone calls from both ends — walang nag-re-reach out, walang tumatawag, walang nag-me-message, nothing.”

The post Carla ‘di pa rin nagsi-sink in na divorced na kay Tom; Kuya Boy inamin, palaos na kaya need na magbalik-TV appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Carla ‘di pa rin nagsi-sink in na divorced na kay Tom; Kuya Boy inamin, palaos na kaya need na magbalik-TV Carla ‘di pa rin nagsi-sink in na divorced na kay Tom; Kuya Boy inamin, palaos na kaya need na magbalik-TV Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 16, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.