Facebook

PAGPAPALAKAS NG MARITIME TRAINING SA BANSA SUPORTADO NI CONG. SAM VERZOSA

Napakaganda ng adhikain nitong si Tutok to Win Party List Representative Verzosa para sa mga kababayan nating Seaman ito ay ang pagsangayon nito at pagsuporta sa plano ng gobyerno hinggil sa pagpapalakas ng maritime training sa bansa.

Ikinabahala ni Rep. Verzosa ang naging isyu ng threat ng European Union (EU) na i-ban ang ating mga Filipino seafarers o seaman dahil hindi pasok sa international training standards ang mga maritime schools at institutions natin.

‘Kami po sa Tutok to Win Party-list ay buong sumusuporta sa ating gobyerno upang palakasin at gawin pang mas competitive ang maritime training sa bansa. Napakaraming pamilyang Pilipino na ang binubuhay ng humigit 229,000 na mga marino o seaman na bumubuo sa 25% ng lahat ng sea-based workers sa buong mundo. Nagpapadala sila ng pera sa pamilya nila kahit saan mang laot at dagat sila dalhin ng barkong sinasakyan nila” yan ang isa sa naging pahayag mga Ka Usapang HAUZ ni Cong. Verzosa husay ano po?

Pero hindi naman nagsimula ang isyung ito kahapon lang. Importanteng maintindihan natin na kailangan ng pamahalaan ang kooperasyon ng mga maritime training institutions, universities, colleges at mga local shipping lines na nagbibigay ng On-the-Job-Training (OJT). Bilang tugon sa isyu, maaaring makipag-negotiate ang pamahalaan sa European Union (EU) at European Maritime Safety Agency (EMSA) na bigyan pa tayo ng extension o transition period para makapag-adjust ang mga training institutes natin at ma-improve ang antas ng training ng ating mga maritime instructors at trainors.

Sa parte naman ng mga maritime training institutions, hinihikayat ko po kayo na habang wala pang bagong standards, dapat unti-unti nang makapagplano kung paano makaka-comply kapag na-implement na ang bagong training standards. Dapat maging handa tayo na i-level-up ang curriculum na pasok sa international standards.

Ito ay para sa kapakanan ng mga maritime graduates upang mapadali ang paghahanap nila ng trabaho. Kakailangan natin ang sanib-pwersa na tulong ng gobyerno at ng mga paaralan dahil napakaraming Pilipino ang umaasa sa mga marino o seaman at isa sila sa mga nagpapalakas ng ating ekonomiya.

May panawagan mga ka Usapang HAUZ ang Tutok to Win Party-list para maisulong at mabigyan ng technical assistance at incentives ang ating mga maritime training institutions kung paano sila makakasabay sa international training standards. Kailangan din ng entrepreneurship assistance at social security protection ng ating mga marino dahil marami sa kanila ay walang mapasukang trabaho dito sa ating bansa kapag hindi na sila makasakay ng barko. Lahat po ng ito ay ating ilalaban at isusulong sa Kongreso.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036

The post PAGPAPALAKAS NG MARITIME TRAINING SA BANSA SUPORTADO NI CONG. SAM VERZOSA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PAGPAPALAKAS NG MARITIME TRAINING SA BANSA SUPORTADO NI CONG. SAM VERZOSA PAGPAPALAKAS NG MARITIME TRAINING SA BANSA SUPORTADO NI CONG. SAM VERZOSA Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 16, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.