Facebook

Panukalang 10-day service incentive leave sa mga empleyado lusot na sa Kamara

SA botong 273, inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong itaas sa 10-araw ang mandatory five-day service incentive leave ng mga kwalipikadong empleyado, base sa isinasaad ng ating labor Code.

Layon ng House Bill No. 988 na amyendahan ang Article 95 ng Presidential Decree No. 442 o ang Labor Code of the Philippines, upang madagdagan ang service incentive leave with pay ng mga empleyadong, isang taon mahigit nang nagtatrabaho sa alin mang kumpanya sa bansa.

Tulad ng nakasaad sa original provision, exempted sa panukalang ito ang mga kumpanyang nagpapatupad na ng ganitong panuntunan at iyung mga establisyementong nasa sampu-pababa lamang ang mga manggagawa o iyung mga kabilang sa micro enterprises.

Ayon kay Cong. Mark Go, na sa kasalukuyang batas, hindi mandatory ang pagbibigay ng sick leave at vacation leave ng mga employer dahil nasa kanilang prerogative na aniya ito alinsunod sa nilagdaang kontrata ng isang empleyado o sa pamamagitan ng collective bargaining agreement.

Ngunit malinaw naman ani Go na nakasaad sa ating Labor Code na kinakailangang mabigyan ng service incentive leaves o SIL ang mga manggagawa.

Bunsod nito, Naniniwala ang solon, na sakaling maisabatas na ang panukalang gawing sampung araw ang service incentive leave, tiyak na mapatataas nito ang moral at pagiging produktibo ng mga empleyado kabilang na ang pagbuti ng kanilang kalusugan. (Henry Padilla)

The post Panukalang 10-day service incentive leave sa mga empleyado lusot na sa Kamara appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Panukalang 10-day service incentive leave sa mga empleyado lusot na sa Kamara Panukalang 10-day service incentive leave sa mga empleyado lusot na sa Kamara Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 16, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.