DELIKADESA..,katangiang pinahahalagahan ng bawat mamamayan na tila naglalaho dahil sa sistema ng POLITICAL MANEUVERS sa ating bansa tulad sa 5-taon’g pakikibaka ng mga magulang na namatayan ng kanikanilang mga anak dahil sa kawalang ingat na DENGVAXIA VACCINATION ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH).
Isa sa kinasuhan ng mga magulang na namatayan ng kanilang mga anak ay si dating DOH SECRETARY na ngayon ay ILOILO CONGRESSWOMAN JANETTE GARIN.., na ang tumayong abogado nito ay si ATTY. JESSE HERMOGENES TORRES ANDRES na nitong unang Linggo ng August ay isa siya sa itinalaga ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR bilang DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) UNDERSECRETARY.., na nitong September 13, 2022 ay inilabas ni DOJ SECRETARY JESUS CRISPIN “BOYING” REMULLA ang DEPARTMENT CIRCULAR No. 29 para sa duties and responsibilities ng bawat naitalagang UNDERSECRETARIES.
WOW na WOW mga ka-ARYA.., si USEC. ANDRES ang nailagay bilang LAW ENFORCEMENT CLUSTER na ang nasasakop nito ay ang (1) NATIONAL PROSECUTION SERVICE (2) OFFICE OF THE SECRETARY OF JUSTICE PROSECUTION STAFF (3) NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (4) OFFICE OF ALTERNATIVE DISPUTE RESOLUTION.
Ang responsibility ni USEC. ANDRES sa pagiging NATIONAL PROSECUTION SERVICE .., ang mga kasong may kinalaman sa DENGVAXIA CASE ay sasailalim sa kaniyang superbisyon at dito ay nakaligtaan yata ni HONORABLE ANDRES ang DELIKADESA.., kasi bago siya naitalaga sa DOJ ay kliyente niya ang isa sa pangunahing pinapanagot sa kontrobersiya na si GARIN!
Dapat nagkusa si USEC. ANDRES na hindi siya malagay sa DENGVAXIA CASE SUPERVISION.., dahil kahit anong irason niya ay pagdududahan at pag-iisipan na po-protektahan lamang nito ang kaniyang naging kliyenteng si REP. GARIN., anyare USEC ANDRES, mayroon ka pa bang DELIKADESA sa iyong propesyon?
Yan ang nanggagalaiting tanong at akusasyon ng SAMAHAN ng mga MAGULANG, ANAK ay BIKTIMA ng DENGVAXIA (SMABD) at ng VOLUNTEERS AGAISNT CRIME and CORRUPTION (VACC)., na nanawagan ngayon kay PRES. BONGBONG MARCOS na iinhibit si USEC ANDRES para sa mga kasong patungkol sa DENGVAXIA CONTROVERSY na libong mga bata ang nasawi sa mala-tortyur na epekto ng bakunang dapat ay panlaban sa DENGUE na dulot ng MOSQUITO BITES.
Sa isinagawang press conference ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) na pinangangasiwaan ni ATTY. PERSODA ACOSTA ay kanilang inihayag na sumulat na sila kay PRES. BONGBONG MARCOS at kay JUSTICE SECRETARY REMULLA upang hilingin ang “inhibition” ni USEC. ANDRES mula sa kaniyang superbisyon sa NATIONAL PROSECUTION SERVICE sa mga kasong may kinalaman sa DENGVAXIA.., dahil kinakikitaan ng “CONFLICT OF INTEREST” o taliwas na interes.
Bagama’t hindi nais ng PAO na direktang akusahan si USEC ANDRES na mayroon itong pakikialam sa mga kaso ng DENGVAXIA ay may mga indikasyon na ng pagdududa tulad sa pagbasura sa 24 na criminal complaint dahil sa kawalan umano ng DENGVAXIA CARD ang mga batang nasawi; gayong may mga testigong nagbigay pahayag bilang pagpapatunay na ang mga nasawi ay nabakunahan ng DENGVAXIA.
Bukod diyan.., ang SUPREME COURT ay naglabas ng pagpapasiya na ang lahat ng may kinalaman sa kaso ng DENGVAXIA ay ihahain lamang sa REGIONAL TRIAL COURT OF QUEZON CITY.., subalit, sa kabila nito ay hindi sinunod ng DOJ PANEL na ang mga DENGVAXIA CASE ay sa mga MUNICIPAL TRIAL COURT pa rin isinampa ang mga kaso.
Sa mga naisagawa nang DENGVAXIA DOJ HEARINGS ay hindi na isinama sa kakasuhan si FRANCISCO DUQUE III na siyang HEALTH SECRETARY sa NOYNOY AQUINO ADMINISTRATION noon na nagpasimula sa DENGVAXIA NATIONWIDE VACCINATION dahil napag-utusan lamang daw ito para sa programa..,. hehehe senyales ba ng POLITICAL MANEUVERS?
Ang ZUELLIG PHARMA ay inalis din ni FISCAL SUSAN BILOG AZARCON sa mga kakasuhan dahil nagbenta lamang daw ito ng gamot.., ASSOOWWSSS e bakit yung mga pusher na nagbenta ng DROGA o shabu ay inaaresto at kinakasuhan gayong nagbenta lamang sila tulad ng ZUELLIG?
Sa prescription ng DENGVAXIA ay hindi maaaring bakunahan ang hindi pa nagkaka-dengue.., pero ipinursige nina DUQUE at GARIN ang pagbabakuna sa lahat na ng mga mag-aaral sa elementarya kahit walang parental consent na mahalagang requirement para sa gayong.mga programa
Ang siste, libolibong mga bata ang dumanas ng mala-tortyur na kamatayan.., nasaan ngayon ang KONSENSIYA? Nasaan ang DELIKADESA? O epekto na ba ito ng POLITICAL MANEUVERS para mapagtakpan at maisalba ang mga kaalyado sa mundo ng politika kesehodang sandamakmak na katiwalian ang ginawa sa sambayanan?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post DELIKADESA SA DENGVAXIA… NASAAN DOJ USEC ANDRES? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: