Facebook

National Children’s Month

NGAYONG buwan ay pagdiriwang ng National Children’s Month. At ang Council for the Welfare of Children (CWC) ay pinangungunahan ang selebrasyong ito na may pagtutok sa kalagayan ng tamang pag-iisip ng ating mga paslit.

Dahil sa pag-aaral na ginawa ng CWC, lumalabas na tatlo sa limang batang Filipino ay nakararanas raw ng ‘psychological abuse’. Isa ito s nakaka-apekto ng mental health ng ating mga kabataan.

Ang pag-aaral ay isinagawa bago magkapandemic noong 2019, kung saan tatlong libong bata ang pinagtatanong at lumabas sa pagtaya ng CWC, na lumala pa nga raw ang problema sa mental health ng ating mga kabataan nang maranasan natin ang bagsik ng coronavirus o’ Covid-19.

Pangunahing dahilan na lumabas din sa pag-aaral ng CWC ay marami sa mga bata ang minumura, inaalipusta, o pinagsasabihan ng mga nakatatanda sa kanila ng mga mga “negative words” na isang uri ng ‘psychological abuse’.

Iniulat din ng CWC na mismong ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) ay naglabas din ng resulta ng kanilang pagsisiyasat na nagpapakita na sampu (10) hanggang labing-lima (15) porsiyento ng kabataang Filipinos mula edad lima (5) hanggang sa mga ‘teenagers’ ay may mental health problems’ na umaabot sa sukdulan nang pagpapakamatay o’ suicide.

Nakakabahala ang mga resultang ganito, at di natin talaga naman maiiwasan ang dalang delubyo ng pandemiya dahil sa Covid-19. Takot, pagkabahala atbp karanasan ang nadama ng ating mga musmos at kabataan, gaya na lamang sa pagka-antala ng pag-aaral at sa bagong on-line classes.

Bukod dito, tumaas ang bilang ng ‘sexual abuse’ at ‘exploitations’ sa ating mga kabataan na nangyayari mismo sa loob ng kanilang mga tahanan at sinamantala ng kanila mismong mga kamaganakan o iba mang kasama sa bahay.

Maganda ang ginawang paraan ng CWC sa problemang ito. Inilunsad nito ang “Makabata Helpline”, kung saan maaring itawag ng mga bata ang kanilang mga nasaksihan o naranasan nilang pang-aabuso.

Ibahagi ko na rin sa inyo ang mga numero ng “Makabata Helpline” na mga 0917-8022375 at 0960-3779863, na maari niyo ring maipasa upang maprotektahan natin ang mga kapakanan ng ating mga kabataan. Mayroon din itong Facebook page na maaring makipagugnayan.

Isa na ring paalala, ang ating mga kabataan gaya natin ay mayroon ding mga karapatan na dapat iginagalang nating lahat. Gaya ng kasabihan, kabataan ang pag-asa ng ating bayan.

The post National Children’s Month appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
National Children’s Month National Children’s Month Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.