SA panibagong pagkakataon ay klinaro ni Mayor Honey Lacuna na walang kinalaman ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pondo ng TUPAD, gayundin sa diatribusyon nito sa mga recipients.
Muling iginiit ni Lacuna ang kanyang pahayag kaugnay ng TUPAD na ang ibig sabihin ay Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, dahil ito ay mula sa national government, partikular sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Inulit muli ng alkalde ang klaripikasyon sa katatapos na Kalinga sa Maynila forum nang banggitin ng isang dating guro ang reklamo kaugnay sa distribusyon ng pondo ng TUPAD sa kanyang barangay.
Kahit noong mga nakalipas, sinabi ni Lacuna na may mga reklamong natatanggap ang kanyang tanggapan kaugnay ng distribusyon ng pondo ng TUPAD.
Paulit-ulit at matiyagang ipinapaliwanag ng lady mayor na ang pondo ng TUPAD ay hindi bumabagsak sa city government. Dahil dito ay walang sinuman sa City Hall ang makapagsasabi kung paano ito idi-distribute.
Dahil dito ay umapela ang alkalde sa lahat ng may kinalaman sa pamamahagi ng pondo na ipaliwanag sa kanilang nasasakupan at recipients na walang kinalaman ang lokal na pamahalaaan ng Maynila sa distribusyon ng pondo ng TUPAD.
Sa Maynila, ayon kay Lacuna ay umaasa lamang ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa listahaan na ibinibigay sa kanila ng barangay pagdating sa distribusyon ng cash aid.
Ang TUPAD ay isang community-based package at assistance na ibinibigay para sa emergency employment ng mga displaced workers, underemployed at seasonal workers sa loob ng minimum period na 10 araw. Pertinente dito ang Department of Labor and Employment (DOLE) Field Office, at sa pagkakataong ito ang DOLE-NCR-Manila Field Office ang nagi-schedule ng mga orientation seminars sa beneficiaries, bago sila magtrabaho at bago ibigay ang kanilang sweldo. (ANDI GARCIA)
The post Mayor Honey: “Walang kinalaman ang Manila LGU sa pondo ng TUPAD” appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: