MATAPOS ang matagumpay at produktibong pagdaraos ng REXECOM event sa Cavite ay idaraos naman ang buwenamanong MOCEC assembly meeting sa darating na Nobyembre 17 kay VP residence sa Valenzuela City.
Sa anunsyo ni Lady Eagle Secretary Leoncia Catulay Amalingan in behalf of all the officers, inaanyayahan ang lahat ng miyembro at aspirants na lumahok sa unang buwanang pulong sa naturang venue( Policarpio St.,Gen.T.De Leon, Valenzuela City.
Agenda rito ang tungkol sa projects and community services,interview sa mga aspirantes, monthly dues, Christmas party at other matters. Take note, attendance is a must!
Para sa kabatiran ng lahat, kamakailan lang may bagong liderato na sa NCR VIII Metrowalk Ortigas Commodores Golden Eagles Club. Isang young blood na pinuno ang gagabay sa naturang civic organization for a cause.
Ang ating ka-SPORT,ka- musikahan at ka-ADBOKASIYANG si kagalang-galang Bernard Toledo na ang may timon sa pinagpipitagang samahang kapatiran sa bisa ng mayoryang mandato ng pagkahalal.
Si Pangulo na naging responsable at decorated na alagad ng batas ng Republika ay kasalukuyang matagumpay na businessman at may ginintuang puso para sa kapwa.
Malugod niyang tinanggap ang naiatang na responsibilidad na kailangang balikatin upang patuloy na ipreserba ang legasiya ng pinamumunuang brotherhood group na nasa payong ng THE FRATERNAL ORDER OF EAGLES (Philippine Eagles)-the Philippine born Fraternal Socio Civic Organization.
Service through strong BROTHERHOOD ang pinaka- buod ng pinamumunuang kapatiran ni Pres.Toledo ( sports shooting enthusiast)na kanya namang ipinangakong di niya bibiguin ang lahat na may mataas na ekspektasyon sa kanyang timon.
Tampok na misyon ng MOCEC na maiparating ang tulong sa mga lugar na kung saan ay di masyadong naaabot ng ayuda ng gobyerno. Bilang lider-Agila ay sisikapin niyang maisakatuparan na makapag – medical mission,livelihood o hanapbuhay para sa needy kababayan at pagtuturo ng Spiritual na aspeto.
Kaagapay ni Toledo sina Ferdie Urrutia(club vice pres.),Cia Amalingan( club secretary), Neithan Alcazar( club treasurer) at club auditor na si Rosendo Manliquez.
HATS OFF ang pagpupugay ng korner na ito sa bagong liderato… sa koponan ni Pres. Toledo..serbisyo ay TODO!..Let’s spread our wings ka-EAGLES!
Lowcut:Shoutout mga ka-Agila Ben Samson, Ruth Vidal,Luisa Arcega,Alona Kho,Leophel Alcazar,Lot Panganiban at Santi StaAna.Kudos to Lowell Camba,Christina Aliada,Adam Tuan,Diro Legaspi,Vic at Marlyn Cabigao,Almar Mondae Maruggay,Peter Encina,Odhel Ykzdiv,Doodboys Frozen Meat,Demos Afable,Maria Lotuaco,Matthew Moselina,Oliver Uy,Arnaldo Fabriel at Lhen Sorio Pachico.
The post METROWALK ORTIGAS COMMODORES NG PHIL. EAGLES appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: