Facebook

Dr. Fortun: Dose-dosenang unclaimed na bangkay sa Bilibid ‘mummified na’

KINUWESTYON ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang mahigit sa isang daan mga bangkay mula sa New Bilibid Prison na hanggang ngayon ay hindi parin kinukuha ng mga kaanak.

Sinabi ni Fortun na hindi magandang record sa isang correctional instution ang pagkakaroon ng mahigit sa 160 bangkay ng ‘persons deprived of liberty’.

Idiniin din niya na hindi manlang nabigyan ng dignidad ang mga labi ng PDLs.

Inaasahan aniyang sa susunod na linggo ay mauumpisahan na ang autopsy sa mahigit 50 bangkay na na-stuck sa isang funeral home.

Hindi pa naman tiyak kung maaari pang ma-examin ang natitirang mga labi dahil ‘mummified’ na ito, tuyot-tuyot na.

Matatandaaang ipinag-utos ni Justice Secretary “Boying” Remulla ang autopsy sa higit isan-daang labi ng PDLs na natambak sa Eastern Funeral Services sa Paranaque City.

The post Dr. Fortun: Dose-dosenang unclaimed na bangkay sa Bilibid ‘mummified na’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dr. Fortun: Dose-dosenang unclaimed na bangkay sa Bilibid ‘mummified na’ Dr. Fortun: Dose-dosenang unclaimed na bangkay sa Bilibid ‘mummified na’ Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 13, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.