SI Manila Mayor Honey Lacuna ay isa sa 2022 Most Influential Filipina Woman in the World na binigyang pagkilala ng Filipina Women’s Network (FWN) sa ginanap na anim na araw na Filipina Leadership Global Summit sa Don Pedro Hotel sa Lisbon, Portugal kamakailan.
Nabatid na si Lacuna ay napiling tumanggap ng Policymaker at Visionary Award na kabilang sa outstanding nominees mula sa 10 bansa.
Sa nasabing parangal, kinikilala ang mga naiambag ng isang Pinay na naka-impluwensiya sa mga polisiya upang maiangat ang kabuhayan, karera at negosyo ng mga mamamayan.
Pinarangalan rin sa Most Influential Filipina Woman in the World ang mga Pinay na nakapagpabago ng liderato sa kanilang komunidad.
Samantala, labis naman ang pasalamat ng alkalde sa kanyang natanggap na parangal.
Naniniwala si Lacuna, na ang isang lider ay dapat na may adbokasiya at isang influencer para matugunan ang mga problema at isyu sa lungsod ng Maynila.
Bukod kay Lacuna, kasama rin sa 27 Pinay awardees sina Atty. Lorna Kapunan at Philippine Red Cross Secretary-General Gwendolyn Pang. (ANDI GARCIA)
The post Mayor Honey, isa sa 2022 Most Influential Filipina Woman in the world appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: