HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang United States na pigilin ang tumataas na global fuel prices.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa 10th ASEAN-US Summit in Phnom Penh sa Cambodia para masolusyunan ang tumataas na presyo ng petrolyo na kailangang harapin ng bansa.
“We also encourage the US’ long-term support for the implementation of the ASEAN Plan of Action on Energy Cooperation,” ayon kay Marcos.
Kung matatandaan, mula nang magsimula ang bakbakan sa Russia at Ukraine ay nagsitaasan na rin ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pangamba ng supply disruptions bunsod ng pagpapatupad ng Western sanctions na target ang ekonomiya ng Russia.
Nagbunsod din ang naturang bakbakan sa global food at fertilizer supply na makakaapekto sa pagtutulak ni Marcos para mapalakas ang agriculture sector na layong mapanatili ang food self-sufficiency.
“We also appeal for the US’ support for the work of the ASEAN Center for Biodiversity. The Center preserves ASEAN’s varied ecosystems and mainstreams biodiversity across relevant sectors. This is to increase resilience against climate change and its impacts and natural disasters. Furthermore, its work is critical in mitigating emerging and re-emerging infectious zoonotic diseases and pandemics,” sinabi pa ng Pangulo. (Vanz Fernandez)
The post PBBM hinimok ang Amerika na tumulong na pigilin ang global fuel prices appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: