INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na nag-aalok ng libreng operasyon para sa mga ‘bingot’ o yaong may tinatawag na cleft lip at cleft palate ang pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ayon kay Lacuna, maaaring magtungo ang lahat ng nga interasado sa Sta. Ana Hospital sa ilalim ni Director Dr. Grace Padilla. Sinabi rin ng kauna-unahang alkalde ng Maynila na bagamat para sa lahat ang libreng operasyon, ang uunahin dito ay ang mga bata.
Nabatid pa sa alkalde na walang anunang requirements na hihingin sa lahat ng mga gustong magpaopera ng kanilang ‘bingot’, maliban sa pagiging residente ng Maynila at birth certificate.
Samantala, ayon naman kay Padilla kung kakayanin naman at mayroong sosobra sa inilaang bilang ng dami ng operasyon ay tatanggap din sila ng mga non-Manilans.
Sinabi ni Padilla, na ang lahat ng interesado ay maaaring magparehistro sa Sta Ana Hospital dahil ang libreng operasyong ito aniya ay first come, first served basis.
May kabuuang 100 slots ang inilahaan para sa libreng operasyon na gagawin sa April 2023.
Ayon kay Padilla ang nasabing libreng operasyon ay gagawin sa ilalim ng SAH program na “Zero Cleft Manila,” na layuning magsagawa ng libreng pag-aayos ng mga mga problema sa cleft lips at palates, lalo na sa mga bata.
Maging ang mga bagong silang na sanggol ay maaari ding iparehistro sa nasabing programa.
Napag-alaman na umaabot sa halagang P50,000 ang operasyon ng cleft lips at palates sa mga pribadong ospital. (ANDI GARCIA)
The post Libreng operasyon sa mga ‘bingot’, inanunsyo ni Mayor Honey appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: