Facebook

Namumuong kontrobersiya sa MMDA

KAMAKAILAN, pormal na muling itinalaga ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. si Romando Artes bilang Metro Manila Development Authority tserman.

Pinalitan ni Artes si Carlo Dimayuga, na nagsilbi bilang pinuno ng MMDA sa maikling panahon.

Pinag-aralan natin ang background ni Artes. Mukha namang kwalipikado siya sa posisyon. Nagsilbi narin naman siyang pinuno ng MMDA noong panahon ni Pangulong Digong Duterte.

Bilang isang certified public accountant (CPA), una siyang nagsilbi bilang Assistant General Manager for Finance and Administration ng nasabing ahensya mula Mayo 2017 hanggang maging General Manager noong Nobyembre 2021.

Bago magtrabaho sa MMDA ay naging political and legislative officer siya sa Senado at consultant din sa Kamara.

Sa madaling salita, kuwalipikado talaga si Artes sa kanyang posisyon dahil narin sa ilang taong karanasan niya sa MMDA at sa tingin ko ay hindi matatawaran ang kanyang integridad. Mismo!

Ang problema nga lang ay may ilang isyu na ibinabato sa kanya ang ilan mismong taga-MMDA hinggil sa kakaiba yata niyang closeness o sobrang dikit sa isa kanyang assistant na tawagin natin sa alias na “Boss B”.

Ayon sa ilang source na humiling na huwag banggitin ang kanilang pangalan dahil sa takot na masibak sa trabaho, itong si Boss B daw ang kumokontrol sa lahat ng transaksyon diyan sa MMDA. Ganun?

Kinokopo daw nito ang ang lahat ng proyekto ng ahensya lalo na iyong malalaking infrastructure at World Bank -assisted projects at tanging mga kaibigang kompanya lamang nila tulad ng MELCHESHOE, JHOSET, at SUKI TRADING ang nakakakuha ng mga proyekto. Lupet!

Ang siste pa, bago palang makasali sa bidding ang ibang hindi nila kakamping kompanya sa mga proyekto ay kailangan mag-hatag sila ng “pampadulas” kay Boss B. Tsk tsk tsk… ayaw na ayaw ni PBBM ng ganyan!!!

Kaya naman pala balitang malakas pumusta sa sabong itong si Boss B. at balewala sa kanya kung matalo man siya ng milyon-milyong piso sa kanyang pusta. Easy money kasi…

Gaya ng una na nating sinabi, mukhang hindi matatawaran ang integridad ni Chairman Artes, pero mukhang may problema siya kay Boss B. Mismo!

Kaya naman dapat ngayon palang ay putulin na niya ang mga kabulastugan ni Boss B, kung hindi ay baka sumambulat ang malaking kontrobersya diyan sa MMDA at maging dahilan pa para masibak siya sa puwesto. Araguy!!!

Naniniwala tayo na sinsero si Pangulong BBM sa hangarin na linisin mula sa katiwalian at korapsyon ang pamahalaan.

Kaya hindi tayo magtataka kung unang masisibak si Chairman Artes kung hindi niya pipigilan ang mga kabulastugan ni Boss B. Tuldukan!

***

Kaabang-abang malaman kung sino ang pinaka-mastermind at kung sino-sino ang nag-ambagan para malikida ang hard-hitting radio commentator at tabloid columnist na si Percy Mabasa, mas kilala sa “Percy Lapid”.

Sabi ni Justice Secretary “Boying” Remulla, ipa-file na nila ang charges laban sa mastermind, middlemen at financiers sa pagpaslang kay Lapid.

Kung sinoman ang utak sa pagpaslang kay Lapid, tiyak may matindi itong dahilan para wakasan ang buhay ng mamamahayag. Siguradong isa siya sa mga binugbog ni Percy sa programa nitong “Lapid Fire” sa radio DWBL.

Isa sa mga nirapido ni Percy sa kanyang programa sa radio at vlog ay ang suspended BuCor director na si Gerald Bantag.

Halos lahat ng middlemen at nag-ambagan para ipapatay si Percy ay mga nakakulong sa Bilibid.

Ang Bilibid ay nasa ilalim ng BuCor. Alam na!

Pinupuri natin sa mabilis na pagkalutas sa kasong ito ni Percy ang DoJ, DILG at higit sa lahat ang operatives. Mabuhay kayo!

The post Namumuong kontrobersiya sa MMDA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Namumuong kontrobersiya sa MMDA Namumuong kontrobersiya sa MMDA Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 04, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.