LABING dalawang (12) taon ang habang dinanas na kalbaryo ng isang dalagita sa kamay ng sariling ama dahil sa panggagahasa nito sa kanya.
Kinilala ang ama na si alyas Doming, 39 anyos, residente ng Barangay Pina Este, Gattaran, Cagayan.
Batay sa datos ng Gattaran Police Station, nitong Nobyembre 3, sa tulong ng lola at ilang kamag anak, dumulog ang biktimang si alyas “Princess”, 17, sa kanilang himpilan upang ireklamo ang ama sa paulit-ulit na panghahalay nito sa kanya.
Ayon sa salaysay ng biktima, limang taon gulang pa lamang ito ay nakararanas na ng pangmomolestiya sa ama. Kapalit aniya ng kahalayang ginagawa ng ama ang pagbibigay nito ng laruan at pagkain sa kanya.
Dagdag pa ng biktima, sa loob ng 12 taon, makailang beses itong nakaranas ng panghahalay sa kanyang ama tuwing makakakuha ito ng pagkakataon.
Hindi aniya magawang makapagsumbong gawa ng pagbabanta ng ama na papatayin nito ang kanyang ina at mga kapatid.
Malinaw namang naidetalye ng biktima sa pulisya na noong mga buwan ng Mayo, Agosto at Oktubre ngayong taon ay muli siyang ginahasa ng kanyang ama. At nito lamang Nobyembre 1 at 2 ay ilang ulit pa itong hinalay.
Matapos makuha ang salaysay ng biktima, agad dinakip ng mga operatiba ang ama sa Barangay Pina Este, Gattaran.
Nakuhanan pa ng isang One-Pong na baril, dalawang bala, isang hand grenade at ilang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang ama.
Mahaharap ang ama sa mga kasong RA 8353 o Anti Rape Law, RA 10591 para sa Comprehensive Firearms Regulation Act, RA 9516 o Illegal Possession of Explosive at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
The post Dalagita, 12 taon pinarausan ng ama appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: