ANG Philippine National Police (PNP) ay isang ahensya ng pamahalaan na napaka-importante ang papel na ginagampanan sa lipunan dahil sa mga alagad ng batas nakasalalay ang kinabukasan, hindi lamang ng taumbayan kundi ng buong pamayanan.
‘To serve and protect’, yan ang motto ng Pambansang Kapulisan na ibig sabihin ay magsisilbi at walang alinlangang ipagtatanggol ang mga mamamayan ng bansa dahil sila ang awtoridad na susupil sa mga sumasalungat at bumabastos sa umiiral na Saligang Batas.
Pero imbes na umaktong role model, maraming PNP official at mga miyembro nito ang bumabaluktot sa batas. Sila yaong tinatawag na mga lawman pero sila din ‘yong law breaker kaya naging masama ang imahe ng kapulisan sa taumbayan.
Katulad sa nangyayari ngayon sa Cavite na nagkalat ang mga pulis na kung tawagin ay police scalawag dahil kung hindi sangkot sa kriminalidad ay protektor ng operasyon ng iba’t ibang uri ng kailigalan gaya ng sakla, STL- con jueteng, lotteng, pergalan (perya at sugalan) paihi, patulo o buriki.
Dahil sa nangyayaring ito sa probinsya ni Gov. Junvic Remulla na everywhere ang sira ulo o bad egg sa PNP, ang liderato ni Col. Christopher F. Olazo ay napuputikan, kinukuwestiyon ang pamumuno kung kailangan pa ba siyang manatili sa puwesto dahil sa nagkalat na vice dens na pinoprotektahan ng marami ding Cavite cops kapalit ng weekly tongpats.
Hindi natin sinasabi na kasama o kakutsaba si Col. Olazo sa tumatanggap ng protection money, pero kalat hindi lamang sa Cavite kundi sa Region 4A headquarter sa Camp Vicente Lim sa Laguna at Camp Crame na ang pangalan niya ay ipinanghihingi ng vice tong collector na si Tagoy.
Hindi lamang bagman ni Col. Olazo, ang pakilala ni Tagoy kundi driver/body guard pa daw siya ni Kernel. Ang higit na malupit ay kasosyo din si Tagoy sa pagpapatakbo ng sangkaterbang sakla den sa mga bayan ng Tanza at Indang na nasa ilalim ng liderato nina Tanza Mayor Yuri Pacumio at Indang Mayor Perfecto Fidel.
Hindi lang si Olazo ang nasisira sa di mahinto-hintong sugalan partikular ng sakla kundi ang police chief ng munisipalidad ng Tanza na si Lt. Col. Gerry Laylo at Mayor Pacumio pagkat ang saklaan ng magkakasosyong Tagoy, Erik Turok at mga malalapit na alyado ni Gov. Remulla ay parang kabute na naghambalang sa mga kalye sa naturang bayan.
Sira din maging ang imahe ni CIDG Regional Chief, P/Col. Joel Ana sa kawalan ng aksyon nito at ng kanyang Cavite CIDG Provincial Officer, P/LtCol. Benedick Poblete laban sa operasyon ng saklaan nina Tagoy at Erik Turok sa mga munisipalidad ng Tanza at Indang.
Ang ilan pa sa mga puwestuhan ng sakla sa Tanza ay sa Bgry. Julugan VI sa tabi ng MJR Merchandize, sa tabi ng barbecuehan sa Brgy. Daang Amaya I, katabi ng eskwelahan, Brgy.Daang Amaya II, sa kanto ng Borland sa Brgy. Sanja Mayor, Poblacion, Julugan VII, Julugan VIII at mga kanugnog na barangay, pawang sa bayan ng Tanza.
Sa Indang, Cavite, ang sakla joint ay nakabalandra din sa mga matataong lugar at bawat sulok, pero tila walang nakikita o alam sa mga nangyayari itong si Police Chief Maj. Ed Cantano at Indang Mayor Perfecto Fidel.
Kung hindi din kakutsaba ng mga vice operator sina Mayor Facumio at Mayor Fidel, dapat sampahan ng mga ito ng kasong administratibo at papanagutin nila ang mga barangay kapitan at iba pang opisyales ng komunidad na may nag-ooperate na saklaan.
Nang makapanayam ng inyong lingkod sa pamamagitan ng cellular phone si P/Major Ed Cantano ay tiniyak nito na ipamomonitor, hindi kukunsintihin at paaaksyunan ang operasyon ng iligal na pasugalan sa kanyang hurisdiksyon, lalo na saklaan. Aniya, wala siyang kilalalang Tagoy at Erik Turok na maintainer ng sakla joint sa kanyang area of responsibility (AOR).
Ayon sa ating mga KASIKRETA, Si Erik Turok ay nasa Bicol Region at abala sa pag-oorganisa ng panibagong emperyo ng mga iligal na pasugalan. Tatalakayin natin ito sa mga susunod nating pitak.
“Ipamomonitor ko ang inereport nyong sakla operation, di pa nakakarating sa akin ang impormasyon tungkol sa saklaan, bago pa lamang akong hepe dito sa Indang” ang palusot sa inyong lingkod ni Major Cantano.
Ngayon ay ito ang ating mga tanong kay Major Cantano, una: pagkatapos ng may halos ay tatlong linggo na n’yong monitoring sa inyong AOR, bakit tuloy pa rin ang operasyon ng mga saklaan sa ibat-ibang lugar sa Indang ngunit wala naman kayong naarestong sangkot sa operasyon ng naturang iligal na pasugal?
Ikalawa: kaalam ba sa operasyon ng sakla joint dyan sa Indang at Tanza sina PD Olazo at PNP Region 4A Director, PBG Jose Melencio Nartatez Jr. lalo’t kahit na patuloy na inereklamo maging ng anti-crime at vice crusader ang operasyon ng mga saklaan ay di naman pinatitigil ang operasyon o nilalalansag ito ng kapulisan ng Indang, Tanza at ng Cavite PNP sa kabuuan?
Halos ay dalawang buwan na buwan na ang lantarang pamamayagpag ng sakla operation sa dalawang bayang ito sa Cavite, kasabay halos sa pag-upo sa pwesto bilang OIC ni Cavite PD Olazo.
Maliwanag na pinoprotektahan ng di iilan lamang na opisyales at kagawad ng Cavite police ang mga naturang sakla den na itinuturo ding dahilan ng tumataas na insidente ng kriminalidad sa nasabing lalawigan.
Dahil tila hindi kaya o walang kakayahan si Cavite OIC PD Olazo na disiplinahin ang marami nilang tauhan na vice protector, patunay ito na mahina ang kanilang liderato, kaya sa tingin ng madla si Col, Olazo ay di karapat-dapat na PD ng Cavite.
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com
The post OLAZO ‘DI KARAPAT-DAPAT SA PUWESTO! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: