For the nth time, muli tayong nakatanggap ng sumbong mula sa mga residente ng lalawigan ng Pangasinan.
Nakapaloob dito ang matinding pagkadismaya ng mga mamamayan ng probinsiya laban sa kanilang mga kapulisan na umano’y direktang protektor ng mga iligal na sugalan sa kanilang pamayanan.
Lahat po ng bayan at siyudad sa Pangasinan ay pinamamahayan na po ng mga sugalan na nagtutulak sa mga Pangasinenses sa opisyo ng pagsusugal sa gitna ng patuloy na presensiya ng pandemya at kahirapan ng buhay.
Ang mga operators umano ng peryang may sugal at drop ball na ito ang tila mga salot na humihigop at sumisipsip sa pinaghhirapang kitaing pera ng mga ordinaryong mamamayan ng Pangasinan dahil na rin sa may kahalong daya ang mga sugal-lupang ito.
Isang Sarhento Istantino na kilala rin sa alyas na “SGT. GUEVARRA” na mula sa Pangasinan Provincial Police Office at residente ng Urdaneta City ang regular na umiikot upang kumulekta ng payola mula sa mga gambling operators na pinangungunahan ng isang alyas RENE IBASAN.
Itong si Sarhento Istantino umano ay lantarang nagpapakilala “bata-bata” at bagman kuno ni Pangasinan Police Provincial Director, Colonel Jeff Fanged.
Ipinagyayabang din po ng “PULISANG” ito na siya raw ang BIRADOR ng La Union at Pangasinan.
Ubod daw ng yabang itong si Sgt. Istantino na ginagawang palabigasan ang mga operators ng iligal na sugal sa AOR ni Col. Fanged.
Maging ang mga ka-barangay ng walanghiyang pulis na ito sa siyudad ng Urdaneta ay sukang-suka ka na kay ISTANTINO.
Speaking of Col. Fanged na isang certified Igorot at dating iginagalang na opisyal ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG prior to his appointment as PD ng Pangasinan, hindi tayo makapaniwalang kukunsintihin nito ang mga katarantaduhan at kagaguhan nitong si Sarhento Istatino a.k.a. Sgt. Guevarra lalo na ang pagpatong nito sa iligal na sugal sa buong Pangasinan.
Mag-alaga ka na lamang ng tunay na AHAS Col. Fanged sir. kesa dito kay Sarhento ISTANTINO.
Masahol pa sa Anacondang GUTOM ang hinayupak na sarhentong ito.
Wag mo na hintayin pa Col. Fanged na tuklawin ka pa ng hindoropot na pulis na ito.
Ang SALOT ay SALOT Col Fanged sir.
O baka naman nagagamit lamang ang pangalan ni PD Fanged sa usaping ito at ang talagang walanghiya ay itong si Sarhento ISTANTINO at ang kanyang mga immediate officers.
In short, nabubukulan na si Col. Fanged, tinatarantado pa ng mga pulis-Pangasinan.
Nararapat lamang magsagawa ng isang malalimang imbestigasyon laban kay Sarhento Istantino at sa mga immediate opisyal nito si Colonel Fanged.
For your info PD Fanged, isang sibilyan po na nagngangalang Eugene na labas-masok daw po diyan Pangasinan PNP headquarters ang kumokolekta ng payola o intelihensiya sa grupo ni RENE IBASAN para daw po sa inyong PD Jeff Fanged.
Gamit din po ng Eugene na ito ang mga alyas na ROMER, JOSEPH at MARIANO sa kanyang TONG COLLECTION RACKET na ang direktang amo ay ang nagpapanggap na bagman umano ng Pangasinan PNP na ang BUGOK na si Sarhento ISTANTINO a.k.a. Sgt. Guevarra.
Kailangang mai-KAHON na kapagdaka ang nagsisilbing KALAWANG ng Pangasinan PNP na si ISTANTINO.
Isama na rin po nyo Col. Fanged ang patay-gutom na aso nito na si Eugene aka ROMER/JOSEPH/ MARIANO.
May kasunod…
Abangan.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post SINO SI SGT.ISTANTINO COL. JEFF FANGED SIR? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: