Facebook

BAKIT SONA LIBRE SA MGA PASUGALAN ANG BULACAN?

May ilang panahon na ring namamayagpag ang mga iligal na pasugalan sa lalawigan ni Governor Daniel Fernando ng Bulacan.

Kung di tayo nagkakamali,late 2021 pa nagsulputan ang mga bangka ng iligal na sugal sa nasabing probinsiya.

Halos isang taon bago ang May 9, 2022 national and local elections.

Kapag may halalan,siyempre pondo o kuwarta ang usapan.

Dito na nga umentra sa usapan ang mga suwitik na gambling lords na nag- offer ng logistic support kay Gov.Fernando kapalit siyempre ng pamamayagpag ng kanilang mga pasugalan sa buong Bulacan.

Ang siste, matagal ng tapos ang eleksyon pero naririyan pa rin ang mga salot na pasugalan na nagpapahirap sa lugmok na ngang pamumuhay ng mga Bulakenyo.

Walang nananalo sa sugal.

Ang mga promotor lamang ng sugal ang lumalago ang buhay pati na rin ang mga corrupt na pulitiko at kapulisan na protektor nito.

Ang mga ordinaryong mga mamamayan ay pinaaasa lamang sa wala.

Lahat ng klase kasi ng sugal ay pawang may daya.

Daig mo pa ang hinoldap nang harapan kung tataya sa mga pasugalanng ito.

Bukod kasi sa jueteng,laganap sa AOR ni Gov.Fernando ang mga pergalan gaya na lamang ng mga puwesto pijo sa Barangay Tangos sa Baliuag,Barangay Sto. Nino sa Meycauayan at Barangay Sta.Rita sa Guiguinto na talagang nagsisilbing salot sa mga mamamayan ng nasabing lugar.

Mismong mga barangay officials ang protektor ng mga pasugalang ito na mga constituents nila ang dinudugas ang kanilang pinaghirapang kitaing pera.

Mga color games at drop ball na pawang may daya.

Mga walang konsensyang opisyal ng bayan na walang keber at makasakit sa kanilang mga kababayang Bulakenyo.

Bakit nga ba hinahayaan ni Gov.Fernando at ng mga alkalde ng Bulacan na gahasain ng mga gambling operators na ito ang kanilang mga naghihirap na ngang kababayan?

Dahil lang ba sa kuwartang umiikot sa likod ng talamak na illegal gambling operations or shall we say PAYOLA.

Ang cheap mo naman Gov Fernando sir!

Ang cheap din naman ng Bulacan PNP command.

Nagmumukha kayong mga timawa sa kuwarta at patabaing baboy ng mga gambling operators na ito.

Di po tayo magsasawang punahin at batikusin ang mga ganito kagarapal na diskarte ng mga halal nating opisyal at kapulisan na sa halip proteksyunan ang bayan at mamamayan ay bulsa nila ang inaalagaan at pinahahalagahan.

Makakarma din kayo!

“What goes around,comes around” Gov.Fernando sir!

Nasa huli ang pagsisisi Gov!

Wag naman pati barya- barya at sentimos ,pinapatulan mo pa Gov Fernando!

Lumalabas tuloy na napakasiba mo sa “intelihensiya” sir!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post BAKIT SONA LIBRE SA MGA PASUGALAN ANG BULACAN? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BAKIT SONA LIBRE SA MGA PASUGALAN ANG BULACAN? BAKIT SONA LIBRE SA MGA PASUGALAN ANG BULACAN? Reviewed by misfitgympal on Enero 25, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.