Facebook

DATING PASALUBONG NG MGA BALIK-BAYAN NA CHOCOLATES, CANDIES, SIGARILYO… NGAYON AY SIBUYAS NA LANG, PINUPUSLIT PA

Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon kung iku-kumpara sa panahon noong araw na kung saan ang kadalasang pasalubong sa atin ng ating mga kamag-anak o’ mga kaibigang balik-bayan at mga Overseas Filipino Worker (OFW) ay kalidad na mga imported chocolates, candies, imported na mga sigarilyo’t alak at marami pang iba.

Pero ngayon, biruin niyong ang pinapasalubong na lang sa atin ng ating mga kababayan galing pa sa ibang bansa ay sibuyas na pinapalusot pa upang makaiwas sa customs tax. Malaki pagkakaiba, ‘di po ba?

Mantakin niyong kino-konsidera na ring smuggled goods ang imported onion depende kung gaano karami ang iyong dala-dala bilang pasalubong sa iyong pamilya’t kamag-anak.

Dati-rati’y ang kinagisnan nating mga ini-smuggle na goods ay kalimitan mga imported na sigarilyo at alak na kung minsan ay kung ano-ano pang pina-palusot na mga gadget.

Nguni’t ngayon ay sarili pa nating agricultural product na sibuyas ang pinapalusot sa lahat ng mga airport at mga daungan sa bansa samantalang nag-tambak ang mga ito sa ating mga probinsiya partikular na sa Nueva Ecija at Mindoro.

Biruin niyong umabot sa halagang P800 kada kilo nito sa merkado noong panahon pa ng kapaskuhan na kung saan higit na kailangan ito ng marami nating kababayan.

Dahil sa sobrang mahal nga nito, hindi ito pwedeng ipagbili sa mga pangunahing palengke dahil kayo ay aarestuhin dahil nabi-biang naito sa smuggled agricultural product tsk… tsk… tsk…

Saan na kaya napunta ang taksa-taksang sibuyas na dati’y nagkalat lang sa merkado, sapat din ang presyo at sapat din ang availavility para sa lahat ng nanga-ngailangan.

Maski na sa Grade One student natin itanong kung saan na napunta ang mga ito, siguradong ang itutugon nito ay may mahika at mahusay na hokus-pokus sa biglang pagkawala ng isa sa iniimporta nating produkto.

Sino kaya ang mga taong nasa likod nitong aberyang ito na wala namang nagiging ibang biktima kundi ang mga maliliit nating magsasaka na wala namang sapat na lakas upang pumalag at mangatwiran.

Ikaw man ba, papalag ka ba sa malalaking kartel at trader na nagdodomina ng labanan sa merkado at sa lahat ng aspeto para sa sarili nilang kapakanan.

Maski na anong laban daanin ay walang ibang nagiging kawawa kundi ang mga maliliit nating magsasaka na dapat sana ay ngayon lang makakabawi dahil panahon na ng anihan o harvest time na.

Mantakin niyong sinabay naman ito sa pag-angkat o’ pagbili ng mga imported na sibuyas sa kung saan-saang bansa partikular na sa Tsina.

Biruin niyong pinangutang na lang anila ang kanilang pinuhunan sa pagtatanim ng sibuyas upang makatulong ng maski papaano sa bansa eh sinabay naman sa pag-angkat ng imported na sibuyas.

Wala nga naman sa timing at mas lalong wala sa ayos ang hakbang na ito ng ating gobyerno lalo na sa kalakaran ng mga agricultural products na sa atin mismo nanggagaling.

Matic at siguradong dadagsa ang sibuyas, sigurado ring bababa ng husto ang presyo nito sa merkado dahil sa ginawang pag-angkat ng imported na sibuyas ng ating gobyerno.

Papaano na namang makakabawi ang ating mga maliliit na magsasaka, papaano silang makakabayad sa kanilang inutang na puhunan, ganon na lamang sa tuwi-tuwina. Sino ba talaga ang kumita at nakinabang sa gimik na ito?

The post DATING PASALUBONG NG MGA BALIK-BAYAN NA CHOCOLATES, CANDIES, SIGARILYO… NGAYON AY SIBUYAS NA LANG, PINUPUSLIT PA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DATING PASALUBONG NG MGA BALIK-BAYAN NA CHOCOLATES, CANDIES, SIGARILYO… NGAYON AY SIBUYAS NA LANG, PINUPUSLIT PA DATING PASALUBONG NG MGA BALIK-BAYAN NA CHOCOLATES, CANDIES, SIGARILYO… NGAYON AY SIBUYAS NA LANG, PINUPUSLIT PA Reviewed by misfitgympal on Enero 24, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.