Facebook

BIYAHENG WALANG KATUTURAN

“The enablers make hay. Trips galore and one outrage after another. With a culture of impunity, pakapalan na lang ng mukha…” Ito ang sinabi ni Cesar Polvorosa Jr. Tungkol sa opisyal na paglalakbay ni Bongbong Marcos sa bayan ng Davos sa Suwisa. Kasama ni Marcos ang 70 katao na napag-alaman na 11 sa kanila ang dadalo sa World Economic Conference at kasama sa “official delegation.” Samantala, ang 59 itinalaga bilang mga “official sabit.” Hindi malayo ito na kapag may opisyal na lakad ang ama ni BBM, bukod sa opisyal na delegasyon niya may karay-karay din na mga “official sabit.” Mahilig magsama ng kanyang “entourage” ang ina ni BBM. Dahil ang asawa ang tinaguriang “commander-in-chef,” ang asawa ay tinagurian “commandeer-in-chief” dahil sa malimit siyang mag “commandeer” ng eroplano.

Ang gastos para sa “junket” ni Meldy”ay pinapasan ni Juan De La Cruz, at ’tila hindi malayo sa puno ang pinapatak ng bunga. Heto ang obserbasyon ng isang kaibigan at kaututang-dila sa lambat: nang mapanood niya ang pakikipagkita ni Bonget sa mga negosyante sa Davos, walang pagkakaiba kay Rodrigo Duterte. Sa ilalim ng serial killer-president, namayagpag ang mga tulad ni Cusi, Medialdea, Bong Go, Tugade, at Dennis Uy. Kay BBM, namayagpag ang Manila oligarchy tulad nina Ayala, Ang, Aboitiz, Razon, Gokongwei, at Tan. Sabi ng kaibigan na itatago ko sa pangalang Shintaro Abe, kibit balikat na dahil wapakels ang mga business leader maliban sa pagpapalago at dominance ng kanilang business empires. Hostage tayong lahat sa ganitong galawan ng mga businessmen na walang moral compass. Dagdag pa niya, sa mga nabanggit na tao, quesejoda ng magnanakaw ang sinamahan, ang importante ay maibalik sila sa poder. Hindi na dapat punahin ang “mga “official sabit” dahil hindi sila ang mapanganib. Huwag iyong mga sabit ang tingnan sa entourage kundi ang mga maaaring magsilbing mga makapili.

***

Enero ang unang buwan ng taon at pagkatapos ang anim na buwan ng pamamahala ni Bonget, nakararanas tayo mg masidhing pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin. Kadalasan, matapos ang Kapaskuhan, malaki ang ibinabagsak ng presyo ng mga bilihin. Hindi na naging ganoon ang sitwasyon ngayon. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng isang kilo ng sibuyas na pula ay nagkakahalaga ng P680. Ang nakakagalit, ang solusyon ng pamahalaan ay mag-angkat ng sibuyas! Hindi magiging malaking issue ito, lamang, Enero ang umpisa ng anihan ng sibuyas! Ayon kay Leonardo Montemayor, pinuno ng Federation of Free Farmers sinabi niya nung Enero 11:”Kung mag-aangkat lang naman, dapat ingatan na po. Huwag pong itama sa harvest period. Masakit na masakit talaga’yan sa isang magsasaka. Naghihirap ka sa harap ng mga bagyo, mga peste, napakataas po ng presyo ng mga pataba saka ‘yung mga pesticides, and then, pagdating ng harvest kung saan ka pwedeng makabawi, doon ka pagbabagsakin ng importasyon…”

Tama ang kaibigan Leisbeth Recto, netizen at kasamang apektado sa mga nangyayari sa ating agrikultura: “Nang nagkaroon ng krisis sa bigas, nag-angkat. Nang magkaroon ng krisis sa isda, nag import. Ngayong may krisis sa sibuyas mag-iimport din. Aba namimihasa! Tila ang mga krisis ay gawa-gawa lang at minamanipula lang? Obvious na may kumikitang sindikato. At mukhang taga DA?…” Malungkot, dahil sa nangyayari ating agrikultura, limang magsasaka na ang nagpatiwakal na sa biglaang pagbagsak ng presyo ng kanilang ani. Hindi katanggap-tanggap ito. Hindi ako magtutumpik-tumpik. Kayong mga traders at kaspakat ninyo sa DA bang may kasalanan nito. Nasa kamay ninyo ang dugo ng mga magsasakang nagpakamatay. Sa inyong pagmamanipula sa merkado, binibili ninyo ang produkto sa napakababang halaga at ibinebenta sa higit sa tatlong doble. Mga walanghiya at walang budhi. Hangga’t hindi matitigil ang gawain niyo, at habang ang pamahalaan ay walang pakialam, may mag susunod na magpatiwakal. Sa mga tulad ninyong talipandas, umayos kayo. Sa mga iniwan at naulila, ang taos-puso naming pakikiramay. Pinapanalangin ko ang agarang katapusan ng krisis na ito. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.”

***

Mga Harbat Sa Lambat

DUE to popular demand, the most “powerful celebrity” will hold another concert, this time at a bigger venue: The Planetarium. -Bobot Fradejas, peryodista, netizen

Kwela Principle: “Your ability to make jokes is directly proportional to your ability to distance yourself from the real situation. Your ability to keep on making jokes on a real problem is directly proportional to your inability to find or formulate solutions.”-Mark Lezaron, netizen

QUOTE UNQUOTE: “Haaay, naku napakahirap mahalin ng sarili nating bansang Pilipinas! At sa gobyerno na nagpapatakbo nito. Hindi mo na talaga malaman kung ano batas n dapat sundin!” – Nilo Diaz, netizen

***

Joke Taym: Daghang salamat kay Maris Hidalgo, OFW at netisen sa atang:

“Gusto ko sanang magpa-breast augmentation pero kailangan pa raw ang permission ng PDEA dahil ito ay isang ‘Buy Bust Operation..’.”

***

Wika-Alamin: Talampas: sa wikang Ingles, ito ay “plateau.” Ang talampas ay isang kapatagan sa tuktok ng isang bundok o anumang lupa na mataas kaysa anumang katawang tubig o karagatan. Ang isa pang tawag dito ay mesa. Sa Bisaya ang tawag sa talampas ay “patag.” Kapag ginamit sa salita: pagkatapos ng matagal na akyatan, dumating kami sa ibabaw ng isang talampas, at nagpasya kami na doon mag-pahinga.

***

mackoyv@gmail.com

The post BIYAHENG WALANG KATUTURAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BIYAHENG WALANG KATUTURAN BIYAHENG WALANG KATUTURAN Reviewed by misfitgympal on Enero 21, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.