Mahigit 22.2 milyon SIM Cards ang nairehistro na, tatlong linggo makaraang simulan ang mandatory registration period, ayon sa National Telecommunications Commission o NTC.
Sinabi ni NTC Officer-in-charge Commissioner Ella Blanca Lopez, na umabot na sa 22,298,090 ang Sim Card registrants, as of Jan.18 o katumbas ng 13.20% ng kabuuang 168 milyong active SIM subscribers sa bansa.
Sa 22.2 milyon, ang Smart Communications Inc, ang may pinakamalaking bilang ng registrant’s na mahigit 11.1 milyon, sumunod ang Globe Telecommunications na may mahigit 9.3 milyon at DITO Telecommunications na may mahigit 1.8 milyon.
Samantala, sa pulong ng Inter-Agency Ad Hoc Committee for Facilitation of SIM Registration in remote areas, ipinrisinta ng NTC sa member agencies at Telcos ang listahan ng mga lugar na tinukoy ng kanilang SIM Registration Act Task Force bilang remote.
Inihayag ni Lopez na kabuuang apatnapu’t limang remote areas ang tinukoyula sa labinlimang rehiyon sa bansa.
Nagsimula ang mandatory SIM card registration noong Dec.27,2022 , alinsunod sa Republic Act No.11934 o SIM Registration Act .
Ang deadline naman sa pagpaparehistro ng SIM cards ay sa April 26, 2023.
The post Higit 22M na nairehistrong Sim cards sa bansa – NTC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: