Ibinahagi ni House Committee on Ways and Means at Albay Representative Joey Salceda ang isang bagong bersiyon ng Maharlika Investment Fund na iprinisinta ni Pangulong Bongbong Marcos para sa mga potential investors.
Ginawa ito ng Pangulo sa ginanap na 2023 World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Sinabi ni Salceda na siya at tatlong iba pang mambabatas ay naatasan na muling isulat o rebisahin ang Maharlika Investment Fund proposal.
Ayon sa economist solon, isa sa pagbabago mula sa House Bill 6608 na ipinasa ng Kamara ay hindi na gagamiting kapital ang dibidendo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at “real surpluses” na aniya ang gagamitin tulad ng sa isang tradisyunal na sovereign wealth fund.
Ikinatuwa naman ni Salceda na sa kabila ng maraming pagtutol mula sa mga kritiko sa ginawang “soft launch” ng MIF sa World Economic Forum ay positibo ang naging pagtanggap ng mga possible investors.
“We want this to succeed, and this was actually the one sold by the President in Davos. Kaya tuwang-tuwa ako eh tira nang tira yung mga tao eh but they are addressing an entirely different animal altogether,” pahayag ni Cong. Salceda.
Sa pinakahuling hakbanging ito ng pamahalaan, malamang na maipasa ito sa mga susunod na buwan at magamit bilang malaking tulong para economic recovery ng bansa.
Sa punto de vista ng inyong abang lingkod, mailulusot ito ng mga taga-suporta ni PBBM sa both houses of Congress kung mapipino ng mga mambabatas at ng mga economic advisers ng Pangulong Marcos Jr. ang panukalang batas at matitiyak na di mawawala ang multi-bilyong pondo para dito.
We just cross our fingers ang hope for the best!
***
PASAKALYE
MAGANDANG ARAW SIR MHEL, TOTOO PO ANG SINABI NINYO NA TALAMAK NA PO ANG SUGALAN DITO SA AMIN SA MABALACAT. DITO LAMANG PO SA LUGAR NAMIN SA XEVERA HALOS PAMBABASTOS NA SA KAPULISAN AT SIMBAHAN NATIN DAHIL ABOT TANAW LANG NAMAN NILA ANG SUGALAN NG DROPBALL AT COLOR GAME NA SINASABI NYO. SANA MAAKSYONAN NG KINAUUKULAN. SALAMAT PO! -TOMAS PO NG MABALACAT
2 PARAK NA KUMATAY SA BABAENG ONLINE SELLER TIMBOG. 2 PULIS NA SANGKOT SA E SABONG AGENT SUMUKO. Wala ng katapusang mga kahayupang balita sa PNP lalo lang lumalala. Mga hindot kayo! BRGY TANOD KULONG NG TAWAGING PANGIT ANG DALAGITA. Ok ang bilis ng aksyon. E bakit ang mga pangit na mga opisyal ng gobyerno hindi makulong kulong? Dahil sa pangit na hustisya di ba? Wala ng papangit pa sa mga walanghiyang ito. PAGTABOY NG CHINESE COAST GUARD SA MGA PINOY FISHERMEN INIIMBESTIGAHAN NA. PCG. Di ba galing si BBM sa China at sabi naman XI JNPING pinapayagan na nila mangisda ang mga pinoy sa SARILI NATING KARAGATAN. Ano sapat na ebidensya ang hahanapin e wala naman yatang video kamera ang mangingisda o cctv para makita ang pagtaboy. Aminin na natin walang silbi ang gobyerno sa pang aabuso ng China sa bansa. Takot sila dito kahit ang pangulo. Naglolokohan lang sila di ba? Tulad sa POGO. PWEEE!! Juan po.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post MAHARLIKA INVESTMENT FUND appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: