Ni FAVATINNI SAN
ISANG post sa Facebook ang nagpagulantang sa avid followers ng National Artist na si Nora Aunor. E, humihingi ng prayers si John Rendez. Kailangan daw ni Ate Guy ng eye surgery.
Dahil sa sama samang panalangin naging matagumpay naman ang gamutan. Aminin natin, sa edad niya ay kailangang doble ingat para na rin sa kanyang kapakanan.
Buti na lang, may nagtutuwid ng balita e, daming Youtube channel na ang content ay may matinding sakit si Ate Guy. Susme, nagkalat na fake news sa YT.
Kakabilib din ang La Aunor, tinapos niya muna ang last shooting day ng pelikulang “Gun for Hire” na bidang aktor si John. Masaya rin sa set sina Ian, Matet at Kenneth. Kasama rin sina Irma Adlawan, Beverly Salviejo, Dexter Doria at may special appearance si Ate Guy.
Salamat may oras para magpahinga siya dahil nakahanda na ang syuting ng Isaac at Rebecca, katambal niya si QC Coun. Alfred Vargas, sa direksiyon ni Adolf B. Alix, Jr.
Samantala, ang natapos na pelikulang “Kontrabida” at “Ligalig,” ay naghihintay na lang playdate.
***
KASO NI VHONG NAVARRO,
TAPUSIN NA
MULING napapanood sa It’s Showtime si Vhong Navarro. Bakit sabik siyang mag-host? E, sabi ng kanyang bashers, sana tapusin niya muna ang kasong isinampa ni Deniece Cornejo. Bagama’t na-denied ang kanyang apela na muling ibalik sa kulungan sa Taguig City Jail si Vhong.
Kaya lang nakalalaya pansamantala ang aktor cum komedyante ay dahil naglagak ng piyansa ng isang milyong piso.
Kaya naman nanggigil sa inis ang kampo ni Denice. Naku, dapat magkaroon na yan ng finality as in tapusin na ang kaso. Magsisiyam na taon na ang pinaglalabanang kaso sa korte.
***
SALAMAT SA SUPORTA NINYO SA BIRADA SA RADYO
TUWING Linggo maraming nakatutok sa Birada sa Radyo, para makinig sa DWBL 1242khz Am band ganap na 5:30am na sabayang napapanood sa FB live stream at YouTube Channel.
Kaming dalawa ni CHERRY JING ang nag-a-anchor. Hitik sa balita at may mainit na isyung tinatalakay sa ating gobyerno, ekonomiya at kaganapan sa mundo ng pulitika na aayon sa aming matapat na opinyon, showbiz balita, kuntil butil, pagbati at iba pa.
Ang aming partner/kaibigan na si Cherry ay Vice President ng Isabela Provincial Police Office-Press Corps. Kasama rin sa binuong media/Region 2 organization. Sobrang salamat sa suporta ng mag-asawang Herzon at Vangie Castillejo, Mayor Pamyong at Mayora Demi Garcia ng Cabatuan, Isabela, Cop Carino ng Timauini, Isabela, Sakura Amusement at Sir Jay Panaga.
The post Nora fake news na may malubhang sakit appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: