Facebook

Beteranang female singer bumigay ang katawan sa sunud-sunod na raket sa Tate

Ni WENDELL ALVAREZ

NALOKA naman ako sa taping namin sa SNN-Showbiz Now Na, ang online show naming tatlo with Tita Cristy Fermin at Rommel Chika.
Habang nagbibigay ako ng blind Item tungkol sa isang veteran female singer nang mag-side show ito sa isang event in Sacramento, US of A, bigla itong dumating at sinabing…”Ako yata ang bini-BI niyo.”
Wala na kaming magawa kundi ang magtawanan dahil first time in the history in Showbiz na ang isang artista ay umamin sa isang pitik bulag.
Na-invite si veteran female singer ng Filipino community sa Amerika para sa isang Valentine’s show.
Marami siyang friends na based na ngayon sa Tate kaya imbes na isang show lang ang ginawa niya ay umabot ito ng lima.
Pinatulan niya ang mga invitation dahil sayang ang talent fee na ibibigay sa kanya, tutal nandun na rin lang siya kaya super lagare ito.
Magkakalayo ang lugar na kanyang pinuntahan, siyempre wala siyang pahinga at tulog at kahit pagod na ay hindi niya ito ininda at sayang ang TF.
Sa kanyang huling pinuntahan doon ay bumigay ang kanyang katawan, kung saan habang nagpi-perform siya on stage ay bigla itong napaupo sa isang tabi.
Nagkagulo sa venue, nagbabaan ang mga bantay para siya paypayan sabay hilot ng kanyang mga kamay.
Ilang minuto lang at nahimasmasan si female singer, bigla siyang tumayo, bumalik sa stage at muling nag- perform ng dalawang kanta.
Ayon sa kanya, pag hindi raw niya tinuloy ay baka hindi ibigay ang TF niya, sayang umano ang 5k dollars.
Dalawang kanta lang naman ang hiningi sa kanya.
Kilala mo siya kapatid na Blessie dahil alam ng mga kababayan natin ang kanyang winning song, “Tukso”.
***
TULUY na tuloy na pala ang 1st Summer Metro Manila Film Festival 2023 sa pamamahala muli ng nagbabalik na si spokesperson Noel Ferrer.
As member of Execom ng nasabing festival, nagpasalamat siya kina Atty. Don Artes-over all Chairman and MMDA Chair, Atty. Rochelle Ona-Executive Director and MMFF City host Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ayon kay friend Noel, hawak na nila ang walong entries na maglalaban-laban this coming April 8 to April 18, 2023 in cinemas nationwide.
1. “APAG” starring Coco Martin, Jaclyn Jose, Gladys Reyes and Sen. Lito Lapid under Centerstage production sa direction ni Brillante Mendoza.
2. “Single Bells” stars Angeline Quinto, Alex Gonzaga and Aljur Abrenica sa direction ni Fifth Solomon under TinCan.
3. “About Us, But not About Us”, Romnick Sarmenta and Elijah Canlas, by Jun Robles Lana under Octoberian films, Ideal First Company and Quantum films.
4. “Kahit Maputi na ang Buhok ko”, RK Bagatsing and Meg Imperial from Saranggola Media, directed by Joven Tan.
5. “Unravel” stars Gerald Anderson and Kylie Padilla from Mavx productions Inc. Directed by RC Delos Reyes.
6. “Here come the Groom”, Eugene Domingo, Kempee de Leon, Enchong Dee, and Maris Racal, directed by Chris Martinez under CINEKO and Brightlight Production.
7. “Yung Libro na Napanuod ko”, Bela Padilla and Yoo Min-Gon, under ViVa Films sa direction ni Bela Padilla.
8. “Love You Long time” starring Carlo Aquino and Eisel Serrano directed by JP Habac under Studio Three Sixty.
Nuon pa inaabangan na itong Summer Festival kung saan hindi matuluy-tuloy dahil sa pandemya na sumalanta sa buong mundo 2 years na ang nakararaan.
Sigurado ako na dudumugin itong walong entries sa mga commercial theater dahil simula nang nawala ang pandemya, bumalik muli ang sigla ng showbiz industry….Abaw Ah!!!

The post Beteranang female singer bumigay ang katawan sa sunud-sunod na raket sa Tate appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Beteranang female singer bumigay ang katawan sa sunud-sunod na raket sa Tate Beteranang female singer bumigay ang katawan sa sunud-sunod na raket sa Tate Reviewed by misfitgympal on Pebrero 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.