Facebook

Unang batch ng Pinoy survivors sa lindol sa Turkey, dumating na sa Pinas

DUMATING na sa bansa ang unang batch ng Filipino repatriates na nakaligtas sa malakas na lindol sa Turkey.

Sakay ng Qatar Airlines Flight 932 ang mga Pinoy survivors nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ilan sa mga dumating ay mga bata at magulang na Pinay na nakapag-asawa ng Turkish.

Ayon sa mga dumating na Pinoy, may mga trauma pa sila dahil patuloy ang nagaganap doon na aftershocks.

Nababahala naman sila sa kanilang mga naiwang asawang Turkish.

Sa susunod na linggo, inaasahan ang 45 pang mga Filipino o ang ikalawang batch ng mga Pinoy na uuwi sa bansa matapos makaligtas sa lindol.

Sasagutin din ng pamahalaan ang kanilang airfare at ang OWWA members ay bibigyan ng tig-P10,000.

The post Unang batch ng Pinoy survivors sa lindol sa Turkey, dumating na sa Pinas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Unang batch ng Pinoy survivors sa lindol sa Turkey, dumating na sa Pinas Unang batch ng Pinoy survivors sa lindol sa Turkey, dumating na sa Pinas Reviewed by misfitgympal on Pebrero 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.