KINANDADO ng Local Government Unit (LGU) ng Makati City ang headquarters ng mobile phone service unit ng PLDT na Smart Communications Inc. nitong Lunes, Pebrero 27, dahil sa P3.2-bilyong tax deficiency at kawalan ng business permit nito.
Sa Facebook post ng My Makati, nag-isyu ang LGU ng ‘closure order’ laban sa Smart dahil sa pag-o-operate nito ng walang business permit mula pa 2019.
“Smart has [also] failed to settle or obtain any relief from the courts over its franchise tax deficiency worth over P3.2 billion covering the period January 2012 to December 2015,” dagdag nito.
Ayon kay Makati City Administrator Claro Certeza, hindi katanggap-tanggap at labag sa batas ang pagpapatakbo ng negosyo ng walang business permit.
Sa desistance/closure order na may petsang Pebrero 23, 2023, binigyang-diin ng lungsod na lumabag sa Section 4A.01 ng Revised Makati Revenue Code o City Ordinance No. 2004-A-025 ang headquarter ng Smart na matatagpuan sa 6799 Ayala Ave. sa Brgy. San Lorenzo.
Nitong nakaraang taon, nasa 191 business establishments ang pinasara ng Business Permits and Licensing Office ng Makati City dahil sa kakulangan ng mga ito ng business permits.
The post Main office ng Smart kinandado ng Makati City gov’t. appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: