Patay ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin na sakay ng isang kulay asul na Toyota Vios Sedan na hindi naplakahan nitong Linggo ng madaling araw sa Barangay San Carlos ng Lipa City sa Batangas.
Kinilala ang nasawi na si incumbent Barangay Chairman Vivencio Palo, nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay.
Base sa kuha ng CCTV, nagbababa ng mga pinamiling paninda si Palo sa kanyang tindahan na isinakay sa likod ng barangay patrol ng daanan ng mga hindi kilalang salarin at pinaputokan ng sunod sunod sa katawan ang biktima na nahulog sa likuran bahagi ng sasakyan, at mabilis naman tumakas ang mga salarin patungo sa ‘di pa tukoy na direksyon.
Naisugod pa sa Mary Mediatrix Hospital ang biktima ng mga nakakitang residente sa krimen subali’t namatay din ayon sa mga rumespondeng doktor.
Narekober sa lugar ng crime scene ang dalawang piraso ng deformed bullets at tatlong piraso ng fired cartridges ng ‘di pa tukoy na kalibre ng mga baril.
Inaalam na ngayon ng mga otoridad ng Lipa City Police Station ang mga posibleng pagkatao ng mga salarin at kung may kinalaman sa politika ang nangyaring pamamaslang sa biktima.
Matatandaan na pinagbabaril din ng riding in tandem noon nakaraang Linggo, February 18 sa Brgy. Trapiche sa Tanauan City, ang isang kandidato bilang barangay chairman na si Larry Laura na nakaligtas at tinitingnan na ‘Person of Interest’ sa krimen ang katunggali sa pulitika ayon sa Batangas PNP.(KOI LAURA)
The post Bgy. Chairman tinadtad ng bala sa Batangas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: