Ni JOVI LLOZA
DAHIL sa mature role ay pumayag na si Miles Ocampo na reypin ni Coco Martin sa bagong serye nito na Batang Quiapo.
Bago pa man sumalang sa maselang eksena si Miles ay kinausap na ito ni Coco kaya kahit may ilang factor si Miles ay lumabas naman na good take ang nasabing scene.
Sa pag-amin ni Coco na itinuring na anak-anakan si Miles dahil bata pa lang ito ay nakakasama na niya sa mga project.
Nabigyan daw ng justification ni Miles ang rape scene nila ni Coco.
Pero paulit ulit na sinasabi ng aktor na nailang itong reypin ang alaga na si Miles.
Buti na lang daw at professional si Miles at lumabas na one take lang ang rape scene nila.
***
Fans ni Regine dismayado, si Celeste Cortesi ang lumabas sa finale ng Darna
NAPABALITA noon na si Regine Velasquez ang lalabas sa Darna.
Pero si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang lumabas sa finale.
Kaya ang fans ni Regine ay dismayado dahil sa pagkakapalit sa kanya ni Celeste.
Samantala, nagpasalamat si Celeste sa cameo role na binigay sa kanya ng ABS-CBN para sa pagbulaga nito sa Darna finale.
Big break daw ang ibinigay sa kanya ng Kapamilya network.
Dahil sa paglabas sa Darna ni Celeste ay asahan nga raw na ito na ang start ng karera nito sa showbiz.
Well, well, well…Yun na!
The post Coco nailang sa rape scene sa anak-anakang si Miles appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: