May nakapagbulong sa Usapang HAUZ na halos umabot sa tenga ang ngiti nitong PR Man na nakabase sa House of Representatives na kilala sa pangalang Tithe Yan sa pagkakahirang ng Pangulong BBM kay Congressman Rex Gatchalian bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) alam po ba nyo kung bakit?
Pero bago natin simulan mga Ka Usapang HAUZ ang pagbubunyi nitong si Tithe Yan ay nais nating batiin ng Congratulations ang bagong DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi ka po nagkamali sa pagpili Pangulong BBM.
Ganito po yun pinangangalandakan pala nitong si PR Man Tithe Yan na super lakas niya kay Sec. Gatchalian dahil isa daw siya sa nagpasikat sa kalihim ng ito ay naging Congressman, sa madaling salita taga palabas ng mga press release tipong magaling makiusap sa mga reporter sa Kongreso.
Eto pa mga Ka Usapang HAUZ sinisiguro ni Tithe Yan na kapag humiling siya ng puwesto sa tanggapan ng DSWD para maglingkod sa tao ay hindi siya bibiguin ng kalihim dahil nga sa super bagyo ito, paglilingkod ba kamo o baka naman pangdodorobo?
Kung tutuo man ang pinangangalandakan nitong si Tithe Yan na malakas siya sa mga Gatchalian well good, pero Secretary Rex kung kayang kaya kang bolahin nitong isa sa sinasabing PR personnel mo eh magisip-isip ka muna sir bago mo bigyan ng puwesto.
Konting background lang Sec. Gatchalian kay Tithe Yan paki tanong lang po kung ano ang naging atraso nyan kay Senate President Migz Zubiri maging kay Senator Imee Marcos at ang latest ay ang pagsunog nito ng pera sa natalong presidential candidate nitong nagdaang eleksiyon.
Eto pa po Sec. Gatchalian sakaling mabigyan mo ng puwesto sa inyong tanggapan ang sinasabing isa sa PR Man mo na si Tithe Yan ay kung maaari ay huwag mong pabibigyan ng staff na babae gawin mong puros lalake dahil kung ang tatanungin mo ang Manila RTC ay may kinasangkutan iyang kaso hindi basta kaso Sec. Rex kakahiya rape lang naman.
Para sa Usapang HAUZ Congressman este Secretary kami po ay nagpapa-alala lang sa inyo kung talagang malakas sa inyo ang PR Man na si Tithe Yan ay aba’y esep esep din at baka sa bandang huli mangamoy bulok ang mabangong halimuyak sa ngayon ng DSWD at gumawa ng kakaiba ang ilalagay mo sa puwesto.
Sa tutuo lang Sec. Gatchalian mayroong mga de kalidad na dating media personality ang nasa tahanan ng DSWD sa ngayon tulad nila dating Congresswoman Usec. Nina Taduran, Usec. Jericho Javier at Usec. Edu Punay na siguradong tutulong ng lubos para sa pagpapakalat ng magagandang impormasyon ng departamento.
Kaya Pakiusap ng Usapang HAUZ sa tatlong DSWD Usec. Taduran, Javier at Punay paki bantayan at baka makalusot itong si PR Man Tithe Yan na mabigyan ng sensitibong puwesto kayo din baka sa halip na bumango ang departamento eh mangamoy bulok.
Teka lang bago magtapos at mahaba na ang kuwento pwede namang bigyan ng puwesto si Tithe Yan pero hindi sa DSWD, ilagay na lang sa mining company duon sa Sibuyan Island Romblon at gamitin niya ang kanyang convincing power para magtuloy tuloy ang operation ng minahan nang sa gayon ay hindi na magbarikada ang mga tao tutal malakas ka sa mga Gatchalian, huwag mo ring kalimutan na pagbaunin ng tinapay dahil meron siyang tinapayan.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036
The post DSWD Sec. Rex Gatchalian huwag bigyan ng puwesto si PR man na si Tithe Yan! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: