Facebook

LIWANAG SA PAMIMIGHATI!

Sa buhay ng sangkatauhan.., may nagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba tulad sa sinapit ng isang OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFW) sa KUWAIT na ipinagdadalamhati sa sinapit nitong kabiguan ay liwanag ang naiambag sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Ang OFW na si JULLEBEE RANARA, 35 anyos ay nakipagsapalaran sa KUWAIT bilang DOMESTIC HELPER sa pag-asang magkaroon ng magandang buhay; subalit, inabuso, sinagasaan ang katawan ng dalawang beses bago sinunog at itinapon sa gitna ng disyerto.., kalupitang dinanas nito mula sa kamay ng 17-anyos na anak ng kaniyang amo.

Sa ngayon, ang buong bansa ay namimighati sa kalunos-lunos na sinapit nito.., hudyat naman sa pagdagsa ng tulong at suporta bilang pakikiramay at pakikiisa sa pinagdaraanan ng naiwang pamilya ni JULLEBEE.

Isa sa mga naghatid ng tulong sa pamilyang RANARA ay ang MERALCO na makaraang mapag-alaman ng pamunuan ng kompanya na walang serbisyong kuryente sa bahay ng pamilya na pagbuburulan sa labi ni JULLEBEE ay agad na kinabitan ng kuryente ang bahay bilang pagtitiyak na magiging maayos ang burol ng nasawing OFW.

Base sa mga ulat ay mahigit 10-taon nang walang serbisyo ng kuryente ang pamilya dahil sa mga hindi nabayarang MERALCO BILL.., na ang mga pagkakautang ay hindi na sisingilin pa at libre na ang naging pagkabit ng kuryente.

Bukod diyan, ang RANARA FAMILY ay binigyan ng libreng serbisyo ng kuryente sa loob ng isang taon at ang BUSINESS TYCON/PHILANTROPIST na si MANNY V. PANGILINAN ay pagkakalooban din ng bagong bahay ang naiwang pamilya ni JULLEBEE.., kabilang dito ang ipinangako ni MVP para sa bagong TV set na may kasamang libreng Cignal subscription.

Sa pagbabahagi ng magulang ni JULLEBEE sa naging pangarap nito na mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang pamilya kung kaya sumugal sa pangingibang bansa.., ay mismong si PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ang personal na nagsabi at nangakong ang pamahalaan ang magsasakatuparan sa pangarap ni JULLEBEE.

Bunsod nito, agad namang nakipag-ugnayan ang NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) sa RANARA FAMILY at nangakong aasiste ang ahensiya na makakuha ang mga ito ng bahay sa lugar na kanilang nanaisin.

Nangako rin ang ahensiyang responsable sa pagsusulong at pagbabantay sa kapakanan ng mga OFW na OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION (OWWA).. na ibibigay ang lahat ng tulong na makakaya para sa pamilya at mismong si OWWA CHIEF ARNELL IGNACIO ang umasikaso.

Ayon mismo kay IGNACIO, ang OWWAay nagbigay ng P200,000 sa pamilya bilang pinansiyal na tulong sa burol at libing ni JULLEBEE.., bukod pa sa INSURANCE na matanggap ng pamilya na nagkakahalaga ng P800,000. Ang 4 na anak ni JULLEBEE ay pagkakalooban ng FULL SCHOLAR mula sa OWWA hanggang sa mag-kolehiyo ang mga ito.

Ang buhay ni JULLEBEE ay hindi na maibabalik pa.., ngunit ang mga pangarap nito para sa kaniyang pamilya ay mananatiling buhay sa pamamagitan ng pamahalaan at ng mga miyembro ng pribadong sektor na handang mag-abot ng tulong at suporta sa RANARA FAMILY..,na tinitiyak naman ng pamahalaan na gagawin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang karumal-dumal na pagpaslang kay JULLEBEE RANARA.

Sangkaterbang mga OFW natin ang nahaharap sa iba’t ibang mga problema sa kanilang mga pinagta-trabahuan ang nangangailangan ng kagyat na tulong mula sa ating mga GOVERNMENT OFFICIAL.., na dapat ay magbasa sa mga nag-eemail sa kanilang mga official email address para agarang maaksiyunan ang mga OFW na nahaharap sa pang-aabuso ng kanilang mga amo.., ika nga, habang buhay pa ang mga nagpapasaklolo ay dapat na agarang maisalba sa bingit ng kamatayan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.

The post LIWANAG SA PAMIMIGHATI! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LIWANAG SA PAMIMIGHATI! LIWANAG SA PAMIMIGHATI! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 08, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.