HINDI tinanggap ng mga gumagamit ng pantalan ang inisyu ni Jay Santiago na Administrative Order 04-2021, o ang “Policy on Registration and Monitoring of Containers.” Hindi nasikmura ng mga port users (exporter, importer, at iba pang mangangalakal) ang kalakip ng AO na programang TOP-CRMS, o “Trusted Operation Program–Container Registry Monitoring System.” Sa kanila, hindi kailangan ang bagong programa ng Philippine Ports Authority (PPA) dahil pabigat ito sa mga mangangalakal na gumagamit ng pantalan.
Pinakamabigat na katwiran kung bakit hindi ito katanggap-tanggap sa mga port user ay dahil walang poder ang PPA upang sugpuin ng smuggling sa bansa. Trabaho ito ng BoC at sinasaklaw ng PPA ang trabaho ng BoC. Sa husgado, mahirap sustenahan ang AO ng PPA dahil wala itong batayan sa batas.
Sa isang bukas na liham ni George Barcelon, pangulo ng Philippine Chamber of Trade and Industry (PCCI), ang pangunahing organisasyon nga mga mangangalakal ng bansa, kay BBM noong Enero, itinanggi ng PCCi ang katwiran na PPA na paraa ang programa upang makabawi ang ekonomiya ng Filipinas sa pagkalugmok dahil sa pandemya at iba pang dahilan. “Hindi totoo na makakabawi ang pambansang ekonomiya sa programang ito,” ani Barcelon. “Bagkus mas tataas ang presyo ng bilihan at mas lalong lalala ang inflation,” aniya.
Sa aming pagtataya, tataas ang pahirap ng bagong programa ng 50% ng halaga ng mga inangkat na kalakal, ani Barcelon. Tataas ito ng hindi bababa sa P35 bilyon, aniya. Hindi kasama sa nakakabiglang gastos ang iba pang gugulin sa implementation TOP-CRMS/ECSSSF, ani Barcelon. Nakakasagabal ang plano ng PPA na iutos sa mga mangangalakal sa pantalan ang paglipat ng mga basyong container sa 10-ektaryang pasilidad at iba pang lugar sa labas ng pantalan sa labas ng Maynila. Tataas lang ang gastos ng mga mangangalakal at mukhang hindi ito alam ng PPA, ani Barcelon, at ang mga ordinaryong kababayan ang biktima.
Hindi malinaw kung nakipag-usap ang PPA sa National Economic and Development Authority (NEDA) upang ganap na maunawaan ang impact ng AO-04-2021 at TOP-CRMS/ECSSSF lalo na sa panahon na nararamdaman ng bansa ang masamang bunga ng pandemya, digmaan ng Russia at Ukraine, ang pabago-bagong halaga ng fuel, at paggulo ng pandaigdigang kalakalan, aniya.
Binanggit ni Barcelon sa kanyang liham kay BBM na sa isang Trucking Summit na inorganisa ng PPA noong ika-16 ng Enero, inamin ng mga opisyales ng PPA na hindi naplano ang TOP-CRMS upan sgpuyin ang ismagling at ang relasyon nito sa ismagling at pawang pahapyaw lang. Binanggit nila ang ang totoong pakay ng programa ay ang pagbabalik ng mga basyong container at mga container deposit. Nakakagulat ang pag-angkin ng mga opisyal na PPA na mabisang kalaban ang programa ng smuggling.
Sinabi ni Barcelon na ipinapatupad ng BoC ang pagsugpo ng smuggling dahil mandando ito ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Ipinakita ang pag-unlad ng programa para sa digitalization program ang paglago ng 34.1% sa koleksyon noong 2022 kung ihahambing sa 2021. Umunlad ang kapasidad ng ng BoC sa pamamagitan ng digitalization na malaman ang iba’t-ibang uri ng panlilinlang sa customs told ng misdeclaration, misclassification, at undervaluation, ani Barcelon.
Idinagdag ni Barcelon na maituturing na isang pag-agaw at pagsaklaw TOP-CRMS ng PPA sa trabaho ng BoC, aniya. Trabaho ng BoC ang pagsugpo sa smuggling at pag-monitor sa mga container sa mga sasakyang pandagat, aniya. Iba ang trabaho ng PPA at ito ang pagapapunlad at administrasyon ng mahigit sa 100 pantalan sa buong bansa,ani Barcelon.
***
DAHIL lubhang nabahala sa lumalalang insidente ng mga nawawalang deposito ng mga senior citizen sa mga malalaking bangko tulad ng Security Bank, naghain ng isang resolusyon si Senador Risa Hontiveros upang siyasatin “bilang tulong sa paggawa ng batas” Bumagsak ang resolusyon sa committee on banks, financial institutions, and currencies ang resolusyon ni Risa. Pinamumunuan ni Mark Villar (hindi ko maatim na tawaging siyang senador) ang resolusyon. Hindi magaling si Mark. May katamaran at walang masasabing mahalagang batas na nagawa sa buong buhay niya bilang mambabatas.
Maraming insidente ng mga senior citizen ang nawalan ng deposito dahil sa panloloko ng mga kasapi ng sindikato na kakutsaba ang mga empleyado ng bangko tulad ng Security Bank. Hindi pinanindigan ng mga bangko ang pagkawala ng kanilang mga deposito. Iniwan umiiyak at nagdurusa ang mga depositor dahil sa kagagawan ng kanilang empleyado na may sabwatan sa mga empleyado ng bangko. Tingnan natin kung kikilos si Mark Villar
***
HINDI kailangan ipasa ang panukalang batas na nagbibigay ng pension at ilang biyaya sa mga dating pangulo. Isang malaking kahibangan at kahangalan na bigyan sila ng opisina at staff na gastos ng taongbayan. Tapos na ang kanilang termino at hayaan na lang silang mamahinga. Isang malaking kagaguhan ang panukalang batas ni Bong Go, Bato dela Rosa, ang dalawang pangunahing personalidad na kumakatawan sa Inferior Davao Group. Isama natin ang Makapili at balimbing na si Francis Tolentino bilang mga pangunahing may-akda ng panukalang batas.
Mukhang hindi nila alam ang konteksto ng kaparehong batas sa Estados Unidos. Ipinasa ng mga mambabatas ng Estados Unidos ang batas na nagbibigay ng pension at iba pang biyaya sa kanilang mga dating pangulo dahil nakita nila ang naging buhay ni Harry Truman pagkatapos ng kanyang walong taon na termino bilang pangulo. Umuwi si Truman sa kanyang bayan sa Independence sa estado ng Missouri.
Nagretiro siya kasama ang kanyang pamilya sa isang bahay doon. Ngunit hindi niya bahay iyon. Pinahiram lang ng kanyang biyenan. Bagaman matagumpay si Truman sa buhay pulitiko dahil naging senador, vice president, at president siya, wala siyang bahay na naipundar para sa kanyang pamilya. Mahirap si Truman, sa maikling salita.
Ayaw ng kanyang mga kapwa pulitiko na mabuhay si Truman na mahirap at halos pulubi bilang dating pangulo. Nagdesisyon sila na ipasa ang batas na nagbibigay ng pension at ibang biyaya sa kanila. Dito sa atin, super yaman ang mga naging presidente. Maliban sa mag-inang Cory at Noynoy. Lahat sila ay nangulimbat sa kaban ng bayan. Maaari silang mabuhay bilang hari at rteyna kahit mabuhay sila ng dalawampung beses.
Sabi ni Atty. Manuel Laserna sa isang post: “MARAMI nang NAKUPIT ang FORMER PRESIDENTS ng Pilipinas sa confidential and intelligence funds, kickbacks from government deals, under-the-table commissions from cronies and oligarchs, and the like, tapos, gusto pa ninyong I-SUBSIDIZE SILA NG BAYAN in terms of office, staff, etc.” Full quote iyan. Wala akong binago kahit bahagya.
***
MGA PILING SALITA: “Somebody says the Inferior Davao Group could be accused of ‘ostentatious display of stupidity.’ Yes, stupidity is their wealth.” – PL, netizen, kritiko
“Huwag umiyak. Kung noong araw na kailangan ang luha ng pagdamay mo ay hindi rin naman maramdaman. Bagkus nakitawa ka pa. Kaya huwag mamalimos ng simpatya. Kaya mo iyan. Wala kang hindi kinaya.” – Ogie Diaz, netizen, komedyante
“Grabe naman. Kasalanan ng bitter pinks na flop ang All TV?” – Dr. Raquel Fortun, netizen
The post KAPALPAKAN SA PANTALAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: