Facebook

HUWAG MATAKOT SA TSINA

MAY katwiran si Dr. Clarita Carlos, ang dating national security adviser na pinalitan ni Eduardo Ano. Hindi dapat parang maaamong kuting ang paninindigan natin sa ginawa ng Tsina kung saan pinasinagan ng kanilang Coast Guard ng military grade laser ang sasakyan pandagat ng Philippine Coast Guard malapit sa Ayungin Shoal. Delikado ang kanilang ginawa at isang pag-uudyok ito sa pagsiklab ng digmaan.

“Let us stop being meek. ‘Wag tayong magpapakumbaba (Let us not be humble). This is the time for wolf warrior diplomacy… Let us go on the offensive because paulit-ulit n’yo nang ginagawa to eh. Sobra na ang abuso ninyo (this is becoming repetitive. The abuse is already too much),” Dr. Carlos told CNN Philippines’ The Source.

Kabaligtaran ito ng posisyon ni Rodrigo Duterte nang nanindigan noong siya ang pangulo na huwag banggain ang Tsina. Posisyon ng karuwagan ang sinasabi ni Duterte. Hindi ito nagustuhan ng marami dahil mistulang sumuko siya sa Tsina ng walang laban. Bukod diyan, may pananaw na ipinagkanulo niya ang bansa, ayon sa ilang tagamasid.

Kung nagsalita ng ganoon si Carlos, ito ay dahil alam niya na may alas na baraha ang Filipinas kontra Tsina. Ipinahiwatig niya na maaaring magamit ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Filipinas at Estados Unidos. Sa ilalim ng tratado, magtutulungan sila kung may paglusob sa alinman sa kanila ang ibang bansa tulad ng Tsina.

Sa pitong buwan na karanasan bilang national security adviser, sinabi ni Carlos na inirekomenda niya kay Pangulong Marcos ang ilang hakbang upang bawasan ang pang-aabuso ng Tsina. Kasama sa kanyang rekomendasyon ang pagbaba ng antas ng relasyon diplomatiko ng dalawang bansa at joint patrol kasama ang hukbo ng mga kakamping bansa. “Let the president be a little bit more assertive about what we should do… and right now, for as long as the Mutual Defense Treaty is in place and it’s operational then let’s make it work. The US is our ally,” aniya.

Kunwari nagbabantay ang Tsina sa isang pulo sa West Philippine Sea (WPS) na nasa exclusive economic zone ng Filipinas (EEZ) pero kasalukuyang kinamkam ito ng Tsina. Mukhang nais ng Tsina na mag-umpisa ng digmaan o kaguluhan para tuluyan nilang masakop at maangkin ang kabuuan ng South China Sea. Bantay-salakay ang Peking sa Ayungin Shoal upang patunayan na sila ang hari ng karagatan.

Iba ang opinyon ni Antonio Carpio, ang retiradong mahistrado ng Korte Suprema. Sa ganang kanya, isang armadong pagsalakay ang ginawa ng Tsina. Maaaring banggitin ng Filipinas ang insidente upang mabigyan ng karampatang diin ang Mutual Defense Treaty, ang tratado ng pagtutulungan ng Estaos Unidos at Filipinas kung may pagsalakay sa alinmang bansa.

Ipinatawag ni Presidente Marcos si Ambassador Huang Xilian ng Tsina noong Martes ng hapon upang ipahayag ang labis na pagkabahala sa pangyayari. Binanggit ang ilang hindi kanais-nais na insidente kung saan pati ang mga mangingisdang Filipino ay hinaharang ng Tsina.

Nagsumite ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs sa pamahalaan ng Tsina. Hindi namin alam kung may mangyayari. Umabot sa 190 ang bilang ng diplomatic protest na isinampa ng Filipinas laban sa Tsina. Hindi natinag ang Tsina kahit na hindi kinatigan ng international community ang kanilang pag-angkin sa kabuuan ng South China Sea.

Walang batayan sa katotohanan at kasaysayan ang teyoryang Nin-Dash Line bilang batayan na pag-aari ng Tsina ang buong South China Sea, ayon sa 2016 desisyon ng Permanent Arbitration Commission ng UNCLOS. Isinakdal ng Filipinas noong 2013 ang Tsina sa UNCLOS.

Walang kuwenta ang sagot ng Chinese Embassy sa Maynila: “Chinese Amb to PH Huang Xilian met with President Ferdinand Marcos Jr; they exchanged views on how to implement the consensus reached by the two heads of state, strengthen dialogue, communication, properly manage maritime differences between China, PH.” Hindi nila tuwiran sinagot ang reklamo ng Filipinas.
***
May post noong Miyerkoles ang aming kaibigan Philip “Ba Ipe” Lustre, Jr. sa social media:

SA ULAT ng Philippine Daily Inquirer sa isyu ngayon, tutol si Koko Pimentel at Francis Tolentino na gamitin ang Mutual Defense Treaty (MDT) … Ayon sa kanilang limitadong kaalaman, hindi armadong pagsalakay ang paggamit ng China ng military grade laser sa Philippine Coast Guard. Hindi sila sang-ayon sa posisyon ni Tony Carpio, isang retiradong mahistrado ng Korte Suprema, na maaaring gawing batayan ang ginawa ng China upang manawagan ang Filipinas na gamitin ang MDT.

Hindi ko alam kung ano ang armadong pakikibaka sa kanilang limitadong pananaw. Sa makabagong panahon, kinakatawan ng laser weapon ang isa sa makabagong paraan upang pilayin ang kabilang panig. Hindi ko alam kung updated ang dalawang mambabatas sa modern warfare. Mukhang hindi nagbabasa si Koko at Francis. Kahit ang Estados Unidos ay nagpalabas ng pahayag kahapon na mapang-udyok at hindi ligtas ang laser weapon na ginamit ng Chinese Coast Guard sa PCG.

Hindi malinaw si Koko pagdating sa China. Isa siya sa mga senador na labis na tahimik sa usapin ang pagkamkam ng China sa ating teritoryo at ang walang katapusan na paglabag sa integridad ng ating EEZ. Hindi rin nagsasalita si Koko sa hayagang pagnanakaw ng China sa ating isda, yamang dagat, at iba pang maritime entitlement sa ating EEZ. Kahit siya ang Senate minority leader, palaging bakla ang kanyang mga posisyon at malamig pa sa ilong ng pusa ang posisyon ni Koko sa usapin ng China.

Mas bakla si Francis Tolentino. Noon 2019, hayagang niyang hinimok ang Senado na ratipikahin ang verbal agreement ni Rodrigo Duterte at Xi Jinping. Sa kanyang unang privilege speech bilang senador, sinabi ni Francisca na pagtiwalaan si Duterte. Nang tanungin siya ni Senador Franklin Drilon tungkol sa mga detalye ng verbal agreement, wala siyang nabanggit. Nagmukha siyang tanga at katawa-tawa dahil hindi niya alam ng detalye ng verbal agreement. Ratipikahin ang verbal agreement at basta magtiwala kay Duterte, iyan ang kanyang panawagan. Gago, ano?
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Bato wanted to be judged ONLY in PH courts, because Supreme Court and various lower courts are under complete control of Duterte. But we were legally under the jurisdiction of ICC before Duterte terminated our membership. Bato cannot choose which court he allows to judge him.” – Allan Bernabe, netizen

“China’s Ministry of Foreign Affairs is LYING. It CANNOT claim that the Chinese Coast Guard ship acted in accordance with international law, when the 2016 arbitral tribunal that ruled against China’s baseless 9-dash-line claim was constituted precisely under the UNCLOS.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang Ayungin Shoal ay teritoryo ng Pilipinas. Hindi yan sa Tsina. Huwag nila tawagin ng Tsinong pangalan. Ayungin is part of the Philippines’ exclusive economic zone. The UNCLOS affirms this. The wider international community recognizes this. It is only China’s authoritarian government that seems to think otherwise.” – Risa Hontiveros
***
Email:bootsfra@yahoo.com

The post HUWAG MATAKOT SA TSINA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HUWAG MATAKOT SA TSINA HUWAG MATAKOT SA TSINA Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.