Facebook

Lani aminadong nakaranas ng matinding depresyon sa pandemya

Ni ARCHIE LIAO

MARAMING naging baon sa kanilang mga karanasan ang bawat Pinoy na naka-survive sa pandemya noong lockdown at community quarantine ngayong unti-unti nang nagbabalik ang lahat sa tinatawag na ‘new normal’, mula sa face to face classes at maging sa operasyon ng mga negosyo.
Dahil nagbalik sa produksyon ang mga manggagawa sa pelikula at telebisyon, umaarangkada na ang live shows at concerts at nagbukas na ang mga sinehan, nakunan namin ng pahayag ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha tungkol sa kanyang mga natutunan sa nangyaring health crisis sa bansa at pati na sa mga diskarte niya o ng ating mga kababayan sa pagharap sa pinakabagong hamon ng ‘’new normal.”
“Actually, ang observation ko, dahil almost 2 years tayong nakakulong, everyone wants to be free after being confined from their homes. Every one wants to go out and feel the regular day to day routine,” ani Lani.
Aminado rin siyang dumanas siya ng matinding depresyon noong panahon ng lockdown at community quarantine.
“Nandito kasi kami sa bansa ng husband ko tapos iyong kids namin nasa US. Na-stranded kami, so ang hirap ng situwasyon. Gusto man naming makita iyong mga anak namin at mga apo, wala kaming magawa. Kaya naman ang talagang ginawa namin ay constant prayers kasi we really live in uncertain times,” kuwento niya.
Marami rin daw siyang natutunan noong panahon ng kasagsagan ng pandemya sa bansa.
“For me, one thing I realized also is that you will really know what’s going to happen. It’s very unpredictable. Siguro, what the pandemic taught us is…to take one day at a time and to continue to have faith. Kasi kung wala kang faith, wala kang kakapitan. Kumbaga, kung spiritual ka dati, mas naging prayerful ka ngayon and I can see that now,” pagtatapos niya.
Si Lani ay isa sa mga hurado ng “The Clash” na tinanghal na best talent search program noong nakaraang 35th
edition ng PMPC Star Awards for Television na pinarangalan din sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz bilang best talent search program hosts.

The post Lani aminadong nakaranas ng matinding depresyon sa pandemya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lani aminadong nakaranas ng matinding depresyon sa pandemya Lani aminadong nakaranas ng matinding depresyon sa pandemya Reviewed by misfitgympal on Pebrero 02, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.