Ipinakita ni dating Department of Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ang pagiging good sport nito nang maglabas siya ng pahayag ng suporta sa bagong talagang DSWD Secretary na si dating Congressman Rex Gatchalian bilang kanyang kapalit.
Matatandaan na nagsilbi si Erwin bilang DSWD Secretary mula Hunyo hanggang Disyembre 2022, matapos na hindi makumpirma sa Senado ang kanyang appointment sa mga kadahilanan na para sa nakararami ay hindi katanggap-tanggap, dahil sa galing at dedikasyon na ipinakita ni Erwin bilang parte ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ani Erwin, naniniwala siyang tama ang napili ng Pangulo na kapalit niya bilang DSWD Secretary at nasa mabuting kamay umano ang departamento.
Naniniwala din umano si Erwin na darating pa rin sa tamang oras ang kinakailangang social services ng mga naaapektuhan ng kalamidad.
Ukol naman sa napapabalitang muli siyang bibigyan ng Pangulo ng ibang posisyon sa gobyerno, buong pagpapakumbabang sinabi ni Erwin na ayaw niyang i-pressure ang Pangulo o ang administrasyon ukol sa bagay na ito, o di kaya ay bigyan siya ng ibang puwesto.
Ang paniniwala ni Erwin, hindi niya dapat at kailangang itulak ang bagay na ito dahil para sa kanya, kung mangyayari ay mangyayari.
“If it’s really there, then it’s really there,” sabi pa nito. Ibig sabihin, kung para sa kanya ay talagang para sa kanya.
Ipinakita ni Erwin ang uri ng karakter at pagkatao meron siya, sa pamamagitan ng kanyang mga tinuran.
Di siya kagaya ng iba na nagpaparinig, nagpi-prisinta o di kaya ay kapit-tuko sa puwesto.
Alam kasi ni Erwin ang kanyang kapasidad at maging ako ay nagulat sa ipinakita nitong, galing, sipag at dedikasyon sa loob lamang ng anim na buwan niyang panunungkulan sa DSWD bilang Kalihim.
Sana nga ay totoo ang tinuran ni Pangulong Marcos na bibigyan niya ng ibang posisyon si Erwin dahil sayang ang talento ng mamang ito.
Bukod sa galing pagdating sa serbisyo publiko, hitik na si Erwin karanasan bilang mamamahayag na nag-cover ng iba’t -ibang ahensiya ng gobyerno at problema ng lipunan, kaya kabisado na niya ang anumang sangay ng pamahalaan kung saan siya ay maaaring italaga.
Dahil na din sa tagal niya sa media at magandang itinanim na pakikisama sa mga kapatid sa hanapbuhay, tiyak na makakakuha ito ng magandang suporta gayundin ang administrasyong Marcos mula sa mga miyembro ng media.
‘Wag sana masayang ang malaking kontribusyon na maaaring ibahagi ni Erwin sa kasalukuyang pamahalaang Marcos.
Kung tutuparin ng Pangulo ang sinabi nito na muli niyang ia-appoint si Erwin sa ibang posisyon, tiyak na hindi niya ito pagsisisihan.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.
The post MULING PAG-APPOINT KAY ERWIN TULFO, DI MASASAYANG appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: