Kung inaakala ng mga kriminal tulad ng mga holdaper, gunrunner, drug courier, kidnapper at mga tulad pa nito, na dumarayo sa Quezon City ay natutulog sa pansitan ang kapulisan ng lungsod – ang Quezon City Police District (QCPD), ito ay isang malaking pagkakamali dahil hindi lang 24/7 nagtatrabaho ang nasabing kapulisan kung hindi higit pa.
Ganoon kadedikasyon ang QCPD sa kanilang sinumpaang trabaho para mabigyan seguridad ang bayan o ang lungsod na kanilang binabantayan partikular na ang mamamayan.
E bakit nga ba ganoon na lamang magbigay serbisyo sa lungsod ang mga kagawad at opisyal ng QCPD? Simple lang ang kasagutan diyan – ang lahat kasi ay depende din sa leadership ng hepe ng pulisya ng lungsod.
Kung ang lider ay tutulog-tulog sa pansitan o pakuyakuyakoy lang sa kanyang trono, tiyak na ang buong command ay maapektuhan – tatamarin din ang mga pulis sa iba’t ibang unit na magtrabaho…at ang magiging resulta ay tataas ang krimen at tataas din ang bilang ng unsolved cases.
Pero dahil nga sa kakaiba itong si PBrig. Gen. Nicolas Torre II, QCPD District Director, halos hindi na nagpapahinga sa pagtatrabaho, siyempre ang magiging resulta nito ay sisipagin din ang kanyang mga tauhan at opisyal.
Sa estilong ito ngayon ng QCPD, mabilis na nalulutas ng pulisya ang mga masasabing “malaking” krimen sa lungsod o kung hindi man ay nasasawata ang ano man binabalak na paghahasik ng dilim ng mga dumarayong krimenal sa lungsod.
Patunay ng kasipagan ng QCPD ay ang mga mabilisan nalulutas nilang nangyaring krimen nitong mga nagdaang buwan – ang pagbaril sa babaeng kawani ng Ombudsman, hindi lang nadakip ang gunman kung hindi naaresto rin ang mastermind sa krimen.
Ang kaso naman ng 79-anyos na missing lola nitong Enero 2023, makalipas ang isang linggo nang lumapit ang kaanak ng biktima sa QCPD ay agad na pinakilos ni Torre ang kanyang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pamumuno ni PMaj. Dondon Llapitan. Bumuo agad si Llapitan ng dalawang team para sa ikalutas ng kaso.
Hayun, sa pagkakakaisa ng QCPD ay nalutas ang krimen – hindi lang natagpuang patay ang biktima kung hindi, nadakip din ang utak sa krimen na isang wanted. Hindi lang siya ang nadakip kung hindi maging ang dalawa pa niyang kasabwat.
Sa pagkakalutas sa kaso ni missing Lola, hindi lang isa ang nalutas na kaso ng QCPD kung hindi ay nalutas din ang panghoholdap sa isang sangay ng Unioil gasoline station sa lungsod kung hindi maging ang pagpaslang din sa isa pang babae na natagpuan sa Mexico Pampanga. Umamin din ang mastermind na sila ang nasa likod ng mga krimen.
At heto na naman ang QCPD, hindi talaga nagpapahinga – abot kamay nila ang mga kriminal, saan man sila magtatago. Isa sa pinakahuling mabilisan nalutas ng tropa ni Llapitan sa CIDU ay ang pagpaslang sa isang Indian national. Binaril at pinatay si Beant Singh nitong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2023.
Pinagbabaril at napatay ang biktima habang naniningil ng mga pautang sa kanto ng Kagawad Road at San mateo- Batasan Road, Barangay Batasan Hills, QC. Makaraan, mabilis na tumakas ang salarin nang matiyak na patay na ang biktima.
Siyempre, hindi nagpatumpik-tumpik ang QCPD – agad na inatasan ulit ni Torre si Llapitan na bigyan katarungan ang pagpaslang sa dayuhan.
Sa follow-up operation ng CIDU, ayon kay Llapitan nang malaman nilang ang gunman ay galing sa Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik, QC, agad niyang inatasan ang mga team leader ng binuong task force, sina PCapt. Josep DR Valle; Pcapt. Darwin Pua, PCapt. Edwin Sumale, at PLt. Morgan Aguilar.
Pebrero 21, base sa nakuhang description ng suspek mula sa CCTV footages. Kinilala ng pulisya ang suspek na nakatira ito ay Bouganvilla St. , Maligaya Park, Brgy Pasong Putik….nakakuha pa ng info ang pulisya na sangkot ang salarin sa gun for hire.
Mula Pebrero 21, hindi na nag-aksaya ng oras ang grupo ni Llapitan sa lugar – inistambayan ang lugar hanggang sa mamataan ang suspek makalipas ang dalawang araw. Pebrero 23, dakong 2:45PM . Nadakip si Mark Darriel Lagarde makaraang lumabas sa kanyang lungga sa Bouganvilla St. .at nakuha sa suspek ang isang Kalibre .380 (walang serial number).
Ayon kay Llapitan, umamin si Lagarde sa krimen at ikinanta ang utak sa krimen.
Aba’y may utak na naman pala sa krimen at hindi lang pala basta-basta simpleng krimen ang nangyari. May nagpapatay pala kay Singh….at hindi pala holdap ang motibo sa krimen.
Ikinanta ni Lagarde na inupahan siya ni Randy Almares Manalo, residente ng Talanay A., Batasan Hills, QC ng P20,000 para itumba ang biktima. Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang tropa ni Llapitan na nagresulta sa pagkaaresto ni Manalo dakong 3:30PM sa Kagawad St. Nakuha kay Manalo ang isang granda. Itinanggi naman ni Manalo ang akusasyon sa kanya ni Lagarde. Pinabulaanan namn ni Manalo ang akusasyon.
Iyan ang QCPD noon at ngayon, sadyang pagdating sa trabaho ay halos hindi na nagpapahinga para sa seguridad ng mamamayan.
Siyempre, ang lahat niyan ay depende sa pamumuno ng District Director. Masipag, magaling at mismong nangunguna din sa lahat ng operasyon si Torre,…at higit sa lahat ay halos hindi na rin natutulog kaya resulta’y – ang mga tauhan at opisyal niya ay halos hindi rin nagpapahinga.
Hayun, sa loob ng isang linggo ay nakamit ni Singh at ng kanyang kaanak ang katarungan.
Congratulations again Sir Gen. Torre III sampu ng inyong mga tuahan at opisyal sa CIDU sa pamumuno ni Maj. Llapitan.
The post Mga kriminal sa QC, hindi ubra sa QCPD appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: