Facebook

BATA KUNO NI PARANAQUE MAYOR ERIC OLIVAREZ, KINASUHAN NG SEXUAL HARASSMENT NG 2 EMPLEYADA NG CITY HALL

Isang astig na bata- bata kuno ni Mayor ErIc Olivarez ng Paranaque City ang nahaharap ngayon sa kasong sexual harassment makaraang ireklamo ng panghihipo ng dalawa sa kanyang mga EMPLEYADA.

Ang suspek ay pinuno umano ng isang tanggapan sa Paranaque City kung saan pumapasok ang mga complainants.

Bukod sa kasong sexual harassment posible ring kasuhan ang suspek na si alias Jun ng physical at verbal abuse ng mga complainants dahil madalas umano silang murahin at laitin ng kanilang hepe.

Si alias Jun umano ay kilalang bata- bata ng pamilya Olivarez at sadyang malakas Kay Mayor Eric Olivarez.

Patunay ang umano’y di pag-aksyon ni Mayor Olivarez sa liham ng Civil Service Commission (CSC) na nagsasabi na gawan ng aksyon ni Mayor Olivarez ang isinampang sexual harassment case laban kay alias Jun.

Ang liham ay mula kay CSC NCR Director IV Judith Dongallo.

Mukhang inuupuan lamang ni Mayor Olivarez ang nasabing reklamo laban sa kanyang bata- bata na si alias Jun.

Nananatili kasing hepe ito ng isang makapangyarihang opisina dyan sa city hall ng Paranaque.

Nakatanggap din tayo ng mga larawan nitong manyakis na si alias Jun na nagpapakita ng baril sa kanyang baywang habang nasa loob ng city hall premises.

Indikasyon ito ng pagiging show off at mayabang sa pagdadala ng baril sa harap ng publiko.

Kahit mismong mga pulis ay di pinapayagang magdisplay ng kanilang mga dalang baril kung nakasibilyan.

Patotoo at patunay lamang na ang angas nitong si alias Jun ay hinuhugot at nagmumula sa mismong pinakamataas na opisyal ng Paranaque LGU na walang iba kundi si Mayor Eric Olivarez nga.

Sabagay,saan ba magmamana ng kagaspangan ng pag- uugali ang isang alias Jun Manyak kundi sa kanyang sinasandalang amo.

By the way,hindi lang naman pala itong si alias Jun ang may kinakaharap na kaso sa kasalukuyan, maging ang kanyang among ipinagyayabang ay may graft charges ding kinakaharap dahil sa maanomalyang kontrata sa basura na ipinagkaloob nito sa Metrowaste Solid Waste Management Corp.

Ika nga, “birds of the same feather fuck together”!

Labing tatlo (13) pa sa matataas ng opisyales nitong si Mayor Eric ang kinasuhan sa Ombudsman kasama siyempre ang magaling kunong city administrator ng siyudad na si Atty. Voltaire Dela Cruz na siya ring tumayong chairman ng Bids and Awards Committee (BAC) na nagrailroad sa maanomalyang kontrata sa basura.

Speaking of alias Jun na patuloy na naghahasik ng kalaswaan at kamunduhan dyan sa city hall,una ka raw masisibak kapag bumaba na ang “preventive suspension” ng amo mong si Mayor Eric Olivarez.

Ilang tulog na lang for sure!

Kaya naman abot- kamay na rin ang hustisya para sa mga taga- Paranaque.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post BATA KUNO NI PARANAQUE MAYOR ERIC OLIVAREZ, KINASUHAN NG SEXUAL HARASSMENT NG 2 EMPLEYADA NG CITY HALL appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BATA KUNO NI PARANAQUE MAYOR ERIC OLIVAREZ, KINASUHAN NG SEXUAL HARASSMENT NG 2 EMPLEYADA NG CITY HALL BATA KUNO NI PARANAQUE MAYOR ERIC OLIVAREZ, KINASUHAN NG SEXUAL HARASSMENT NG 2 EMPLEYADA NG CITY HALL Reviewed by misfitgympal on Marso 01, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.