Facebook

PERGALANG MALA-CASINO SA CUBAO, TUNAY NA ” UNTOUCHABLE”

Tunay at totoo ngang UNTOUCHABLE ang pergalang mala-casino sa Cubao, Quezon city dahil umano sa patuloy na pama-mayagpag nito sa kanilang illegal na sugalan.

Super-lakas daw ang koneksiyon ng maintainer nito sa awthoridad partikular na sa kapulisan ng Central Police District (CPD) at ilang mataas na opisyal ng Quezon city hall.

Ito daw ang mga pangunahing dahilan kung kaya’t luma-laki ang mga ulo ng mga ito at tuloy-tuloy pa rin sa kanilang operasyon ng kanilang illegal na aktibidad.

Mantakin mong ang tangingi institusyon na pwedeng mag-patigil nito number one na ang kapulisan at ilang mata-taas na opisyal ng Quezon city hall ay tila nakabusal na ang mga bunganga.

Dedma lang kasi ang mga ito na para bang bayad na at nasuhulan na ng financier ng nasabing pergalan kung kaya’t parang nakukunsinti na lang ang mga ito.

Sa kabila ng sandamakmak na reklamo at kaliwa’t kanang batikos laban sa pergalang ito ay tuloy-tuloy pa rin at para bagang tatawa-tawa na lang.

Nasa isipan malamang ng mga ito ay hindi sila pwedeng ma-pigilan ng kahit na sinong Pontiyo Pilato dahil sa bayad na at hawak na nila sa leeg ang mga ito.

Magkano naman kaya ang goodwill na binibigay ng mga ito sa kapulisan ng CPD lalo na sa Cubao police station na naka-kasakop dito.

Natural na kapag nagkaroon ang mga pulis ay matic na meron din ang ilan opisyal ng Quezon city hall partikular na ang departamentong nag-iisyu ng permit upang maging legal at lehitimo ang operasyon nito.

Napag-alaman natin na milyong pisong halaga ang naglalaro sa pergalang ito araw-araw, gabi-gabi 24/7 sa loob ng isang linggo tsk… tsk… tsk…

Iba rin ang naturalesa at kapal ng mukha ng mga ito na hindi alintana ang kapakanan at katahimikan ng lugar o’ komunidad na naaapektuhan nito.

Hindi na rin daw luma-lapit at nagre-reklamo ang mga concerned-citizens sa kinauukulan laban sa pergalang ito dahil balewala rin daw at masasayang lang ang kanilang oras. Pagpapasa-Diyos na lang daw nila ang anumang dumating.

GREETINGS….

Malugod naming binabati ang pamunuan ng Manila Police District (MPD)-Police Station 1 sa Tondo, Manila matapos na ma-poko nito ang ilan major award na ginawad makakailan sa pag-gunita ng 122nd Founding Anniversary ng MPD.

Ang PS-1 ang hinirang na Best Police Station of the Year sa pamumuno ni Lt. Col. Rizalino “Jun” Ibay na tinanghal namang Best Station Commander of the Year.

Maliban dito ay tinanggap din ng naturang istasyon ang Womens Desk and Complaint award at ilan pang minor award na giawad sa kanilang kapilisan.

“Magaling man at huli” dapat pa ring bigyan ng papuri ang lahat ng mga tao at pulis na nasa likod nito, di po ba?

Sa inyong lahat… CONGRATULATIONS, KUDOS AT MABUHAY!!!

The post PERGALANG MALA-CASINO SA CUBAO, TUNAY NA ” UNTOUCHABLE” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PERGALANG MALA-CASINO SA CUBAO, TUNAY NA ” UNTOUCHABLE” PERGALANG MALA-CASINO SA CUBAO, TUNAY NA ” UNTOUCHABLE” Reviewed by misfitgympal on Pebrero 28, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.