Tulad ng inaasahan, puno na naman ang schedule ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ngayong linggo.
Aba’y unang sumabak si PBBM sa contract signing para sa North-South Commuter Railway System (NSCRS) Project sa Malacañang bandang 10:00 ng umaga ngayong Biyernes, Marso 3.
Dumalo rin sa event sina Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative Sakamoto Takema at Deputy Chief of Mission Embassy of Japan Kensuke Matsuda.
Kabilang din sa mga aktibidad ng ating mahal na Pangulo ang pag-attend sa 23rd International Cable Congress and Exhibit ng Federation of International Cable Television and Telecommunications Association of the Philippines (FICTAP) sa Manila Hotel.
Isa sa mga lumahok sa exhibit ang bagong lunsad na ALIW23, sister company ng DWIZ 882, at commercial TV station ng Aliw Broadcasting Corporation.
Present din dito, siyempre, ang ating mga boss na sina ALC Group Chairman D. Edgard Cabangon, Executive Vice President & General Manager Atty. McNeil Rante, Vice President for Business Development Dennis Antenor Jr., at iba pa.
Nagpasalamat naman si Pang. Marcos sa lahat ng mga kasapi ng FICTAP habang nangako rin ito nang buong suporta sa industriya.
Mabuhay po kayo, mga boss, at God bless!
***
Samantala, panauhing pandangal din pala si PBBM sa “Tanyag: An evening with International Trade Partners” bandang alas-7:30 ng gabi sa Shangri-La The Fort sa Taguig City.
Dumalo rin dito si DTI Secretary Alfredo Pascual at ilang kinatawan mula sa pribadong sektor.
Kung matatandaan, naging mahigpit din ang schedule ng Pangulo noong Miyerkules, Marso 1, lalo’t kabi-kabila ang mga dinaluhan nitong events.
Ang unang aktibidad ng Presidente noong Miyerkules ng umaga ay ang HAPAG KAY PBBM o “HAlina’t Magtanim ng Prutas at Gulay sa Barangay Project/Kadiwa Ay Yaman/ Plants for Bountiful Barangays Movement” sa Burnham Green sa Luneta Park kung saan inilatag dito ang Urban Garden Show at Kadiwa ng Pangulo sa parke.
Mula sa Maynila ay tumulak naman si Pang. Marcos patungong Batangas para sa “Kadiwa ng Pangulo” sa Malvar Park (Sto. Tomas Municipal Grounds) sa lungsod ng Sto. Tomas City na sinundan ng inagurasyon at ribbon cutting ng Mega Manufacturing Plant sa nasabi pa ring lungsod.
Pagka-galing naman ng Batangas, tumuloy si PBBM sa Malacañang para naman i-welcome si Malaysian Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim na sumabak sa dalawang araw na official visit sa bansa.
Naging mabunga ang bilateral meeting ng dalawang lider dahil nagkasundo pala sila na gumamit ng bagong antas ng pagkompronta o pagtugon sa isyu sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang makamit daw ang mapayapang resolusyon dito.
Kasama ang Pilipinas at Malaysia sa mga claimants sa pinag-aagawang teritoryo.
Natalakay din sa pulong ang ugnayang pangdepensa at pangseguridad na nananatili pa ring matatag at lumalago.
Well, marahil ay bahagi pa rin ito ng sinasabing foreign policy ni PBBM bilang isang “friend to all and an enemy to none”.
***
Katuwang ang SM Foundation at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 FB page, at DWIZ ON-DEMAND sa Youtube tuwing araw ng Sabado sa ganap na alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon. Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, etc., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-DM sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po at stay safe!
The post ALIW23, PRESIDENTE SUMABAK SA FICTAP CONGRESS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: