Facebook

P150m ismagel na asukal nasabat sa Subic

Nasa higit 30,000 sako ng refined sugar na nagkakahalaga ng P150 milyon ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City, nito lamang Marso 2.

Pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio kasama sina District Collector Maritess Martin, Agriculture Assistant Secretary James Layug, at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Rolen C. Paulino ang pagsusuri sa 58 40ft container van lulan ang misdeclared refined sugar.

Tiniyak ni Commissioner Rubio na mas paiigtingin pa ng Customs ang kampanya laban sa smuggling lalo na ang iligal na pagpasok ng mga produktong agraryo na lubhang nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante.

Kasabay nito’y natuklasan din ng ahensya ang dalawang container ng squid rings kung saan nakatago ang iba’t ibang frozen meat product na hindi idineklara na nagkakahalaga ng P40 milyon piso

Samantala, umabot naman sa 9.5 milyong pakete ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.42 bilyon ang narekober sa isinagawang operasyon ng BOC sa isang warehouse sa Indanan, Sulu.(Thony D. Arcenal)

The post P150m ismagel na asukal nasabat sa Subic appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P150m ismagel na asukal nasabat sa Subic P150m ismagel na asukal nasabat sa Subic Reviewed by misfitgympal on Marso 03, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.