Facebook

Ex-CdeO Mayor, 2 pa sabit sa multi-million COVID-19 ayuda distribution

NAGKAINITAN ang panig ng mayorya at minorya ng city council kaugnay sa findings na inilabas ng Adhoc committee patungkol sa umano’y maanomalyang cash distribution ng City Government para sa mga pamilya na apektado ng kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 sa Cagayan de Oro City.

Matapos ihayag ni Adhoc committee chairman at minority leader City Councilor James Judith na nasa 50 milyong piso mula sa P767.8 million national funds ang nawala dahil sa double-triple entries ng mga benepesaryo na nabigyan ng ayudang pinansyal sa panunungkulan noon ni dating Mayor Oscar Moreno.

Una kasing isinulat sa findings ng ginawa na re-investigation ng usaping ayuda ni Judith na mananagot sa nabanggit na kapabayaan si dating city administrator at acting CSWD head Teodoro Sabuga-a Jr at ang kanyang overseer na si Michael Christopher Fabello.

Sinabi ni Judith na tatamaan si Moreno sa prinsipyo ng ‘command responsibility’ dahil sa nangyaring financial lapses ng kanyang mga tauhan.

Subali’t, depensa ng kaalyado ni Moreno na si social services committee chairman at majority member Konsehala Girlie Balaba, hindi isang ‘prosecutarial body’ ang isang konseho upang idiin ang sinumang personalidad na iniimbestigahan.

Iginiit ni Balaba na paggawa ng mga panukalang batas ang tina-trabaho ng legislative department at hindi ang mang-akusa sa mga personalidad.

Una rin nito, tinawag ni Moreno na nakapa-iresponsable, pabaya at istupido ni Judith upang pagbintangan siya na walang kahawak-hawak na mga basehan patungkol sa isyu.

The post Ex-CdeO Mayor, 2 pa sabit sa multi-million COVID-19 ayuda distribution appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-CdeO Mayor, 2 pa sabit sa multi-million COVID-19 ayuda distribution Ex-CdeO Mayor, 2 pa sabit sa multi-million COVID-19 ayuda distribution Reviewed by misfitgympal on Marso 03, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.