Facebook

Rep. Teves, Sen. Bong Go, suportado ang Agila MC fun-ride

TODO suporta ang ilang mambabatas sa gaganapin na “Agila Endurance Motorcycle Challenge” fun-ride na iikot sa buong Central Luzon sa Marso 11.

Bilang mga miyembro ng Agila, nanguna si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Kuya Arnie” Teves at Senator Bong Go sa pagbibigay suporta sa mga riders na lalahok sa 24-hour loop challenge.

“Makilahok po tayo ng may pag-iingat sa endurance challenge na binuo ng mga komite na mga kapwa Eagle’s po natin. Maging doble ingat din po tayo,” pahayag ni Teves.

Samantala, nagbigay din mensahe si Sen. Go at hinikayat Ang mga riders na sumali para ma relax subalit maging maingat.

Ang Agila Motorcycle Endurance Challenge fun-ride challenge ay gaganapin sa Quezon City sa Marso 11.

“Ang nasabing fun-ride ay hindi lamang para sa mga Fraternal Order of Eagles members. Open ito sa lahat ng riders sa buong bansa,” paliwanag nila Endurance committee Ron Frias at event publicist Jojo Gamboa.

Ayon sa mga komite, maari pang humabol ang mga hindi agad nakapag rehistro. “Pagbibigyan po natin makalahok pa ang ibang nais sumali, dahil marami ang nakikiusap na huling nakaalam ng fun-ride,” dagdag ni Bagwis Limm, head ng planning.

The post Rep. Teves, Sen. Bong Go, suportado ang Agila MC fun-ride appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rep. Teves, Sen. Bong Go, suportado ang Agila MC fun-ride Rep. Teves, Sen. Bong Go, suportado ang Agila MC fun-ride Reviewed by misfitgympal on Marso 02, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.