Facebook

FREE LEILA DE LIMA NOW!!!

NOONG nakaraang linggo naghain ng petisyon sa Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 na ibasura ang kaso kay dating senador Leila De Lima dahil isa-isang umurong ang mga testigo matapos nagsabing pawang kabulaanan at pinilit lang silang tumestigo laban sa senador. Pagkaraan ng mahigit anim na taong pagkapiit, naging maliwanag na pulos kasinungalingan ang paratang kay de Lima. Kinatigan maging korte, sa wakas, ang katarungan. Matatandaan na nakulong si de Lima dahil sa paratang ng ilang testigo na sangkot ito sa pagbebenta ng droga sa New Bilibid Prisons. Pero ang totoong dahilan ay dahil idinawit niya ang dating serial-killer president Rodrigo Duterte sa mga patayan noong siya ay meyor ng Dabaw at de Lima ay chair ng Commission on Human Rights at kalihim ng DoJ.

Ito ang sabi ni M. Dexter Lopoz, isang manananggol na tubong Mindanaw at katulad niya, iisa ang aming panawagan: “This is the worst effing drugs case in history. NO DRUGS PRESENTED by prosecution witnesses. NO MONEY OR MONEY/PAPER TRAIL proven by the prosecution. TESTIMONIES only from CONVICTED DRUG LORDS AND MURDERERS. (These testimonies of convicted drug lords and murderers against Sen. Leila De Lima – are now PRACTICALLY WITHOUT ANY PROBATIVE WEIGHT OR VALUE. This is because under the NEW AMENDMENTS to Section 12 of Rule 132, witnesses who had been convicted by final judgment of crimes with a penalty of imprisonment of more than ONE YEAR or those involving MORAL TURPITUDE, may be IMPEACHED by the fact of those convictions.) For all intents and purposes, WALANG KUWENTA ANG MGA SINABI NG MGA KRIMINAL NA ITO LABAN KAY SEN. De Lima!

Lalo na’t BINAWI na ng ibang prosecution witnesses ang lahat ng KASINUNGALINGAN na ginawa laban kay Sen. Leila. FREE LEILA DE LIMA NOW!!!…” Maliwanag ang sinabi ng mga kumakatawan sa EU na upang magkaroon ng paborableng insentibo ang Pilipinas sa larangan ng kalakalan sa mga bansang kasapi sa European Union, dalawang bagay ang dapat nilang gawin: una, ay isuko nila ang tinaguriang serial-killer president Rodrigo Roa Duterte kapag napatunayan ng ICC na sangkot siya sa mga EJK sa papatuloy ng paglilitis nila; pangalawa, ang pagpapalaya kay Leila de Lima. Nararamdaman ng abang peryodistang ito na hindi na magtatagal ang pagdetine sa dating senador, at hindi na rin magtatagal tatamasa sa wakas ng katarungan ang libu-libong napaslang dahil sa baliw na digmaan kontra sa droga ni Duterte. Nananalangin ako na harinawa makamit nila ang katahimikan at katarungan. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

Dalawang buwan na lang bago ipairal ng EMSA ang bagong patakaran para sa lahat ng marinong sasampa sa barkong EU… Napansin na tanging ang mga manning at crewing companies ang gumagawa ng aksyon… Ang MARINA kaya? Aba kumilos naman kayo.

***

Mga Harbat Sa Lambat: “EDSA was a defining moment when the nation found its heart and soul. The nation needs to rediscover that moment…” – Prof. Cesar Polvorosa

“Ang tapang ni Benny Abante sa EU parliamentarians. Ipakita mo yang tapang mo sa China. The real threat to our sovereignty is not the ICC but China…” -Joel Cochico, netizen, kritiko

“Darryl Yap talks so much about Philippine history but he is neither a historian nor a student of history. Binoy talks so much about the Philippine Constitution but he is not a lawyer. It is even doubtful if he has read and understood the Constitution. To paraphrase the irrepressible Miriam Defensor-Santiago: “Akala mo magaling ang mga senador natin. Iyong pinagsasabi ay isinulat ng mga staff nila para sa kanila. Kung ganoon lang, mas mabuti pa iyong mga staff na lang nila ang magsasalita sa plenaryo…” – Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netizen

“Ang daming ngawngaw ngayon ng jeepney drivers na ibinoto si Bobong dahil (daw) sa PLEDGE na stop jeepney modernization. Ayun, tinuldukan sila ni Bobong, phase out ang sagot sa kanila. Sige, sa uulitin po, boto ulit kayo ng magnanakaw at palpak dahil sa apeylido, sikat at mapera. Wala kayong sawa sa kahirapan pwede namang gumamit kayo ng utak kahit sa panahon man lang ng eleksyon. Deserve nio ang inyong binoto, ganun lang yun. Sori sa mga nadamay na pinklawan…” -Chi Yap, netizen

“Marami pang katulad ni Marcos at Duterte ang darating upang abusuhin ang kapangyarihan at yurakan ang karapatan ng mamamayan. Walang manliliko Ang ugat niyan ay ang likas na pagiging uto-uto ng maraming Pilipino. Walang manloloko kung walang magpapa-loko…” – Clive Reyes Jr, netisen

“I will continue to stand my ground. For when they come after me and try to silence me, they are actually coming after those who cannot speak for themselves and defend themselves. I cannot, in good conscience, let that happen…” – dating Senador Leila De Lima

***

Jok Taym:

(c/o Jojo Estrella, netizen)

Isang araw may dalawang gunggong na sabay maliligo:

BATO: Lintik naman na sabon to ayaw bumula!

BINOE: Paano bubula yan eh hindi naman basa ang katawan mo!…

BATO: Eh syempre for “Dry Skin” nga to eh…

Bobo!!!…

***

Mali-Mali Moments:

Saleslady:

IONIZED WATER DISPENSER FREE TASTE…

***

mackoyv@gmail.com

The post FREE LEILA DE LIMA NOW!!! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
FREE LEILA DE LIMA NOW!!! FREE LEILA DE LIMA NOW!!! Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.