NAGWAWALA sina Manila Representatives Joel Chua ng 3rd District at Rolando Valeriano ng 2nd District dahil sa ginagawang clearing operations ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga secondary road o mga kalye sa looban ng Maynila.
Iminungkahi na nga ng mga kinatawang ito ng Maynila na buwagin nalang ang MMDA. Abusado na raw ito. At duplication lang daw ng mga ginagawa ng local government units (LGUs) ang trabaho nito. Malaking tipid nga naman sa gobyerno ‘pag binuwag ang MMDA na mayroong higit P4 bilyong budget.
Ang dapat lang kasing nililinis sa obstructions ng MMDA ay ang ‘Mabuhay Lanes’. Pero pati ang secondary roads ay kanila nang kini-clear sa obstructions.
Ang rason dito ng MMDA ay marami ang nagrereklamo sa kanila laban sa illegal structures at illegal parking kungsaan halos hindi na madaanan ng mga sasakyang apat ang gulong.
Tama naman dito ang MMDA eh!
Kasi nga itong mga LGU sa Metro Manila partikular sa Maynila ay mga inutil, pabaya sa obstructions. Paano kasi ginawa nang negosyo ang sidewalks o mga bangketa! Mismo!
Bibilib ako kina Chua at Valeriano kung ipabuwag din nila sa Manila LGU ang Manila Traffic and Parking Bureau at Manila Department of Public Service pati Hawkers na pawang pabaya sa kanilang trabaho, sa halip ay pinagkakakitaan ang mga kalye mula sa Mabuhay Lanes lalo sa secondary roads na halos ‘di na madaanan ng mga sasakyan dahil sa illegal vendors, illegal parking, at kung anu ano pang obstructions na may “lagay” sa mga nasabing departamento.
Dyan lang sa distrito ni Valeriano, grabe ang obstructions sa mga secondary road. Hindi na nga madaan ang sidewalks dahil puno ng mga negosyong pasok sa bulsa ng mga opisyal ng MTPB, DPS at Hawkers. Aminin!!!
Lalo na sa distrito ni Chua. Naku po!!! Ang sisikip ng secondary roads dahil sa illegal parking ng mga naglalakihang truck, mga tindahan sa isang lane ng kalsada at kung anu-ano pang mga sagabal sa kalsada! Perwisyo sa mga motorista!
Kaya hindi masisisi nina Chua at Valeriano kung pasukin ng MMDA ang secondary roads ay dahil narin sa kahilingan ng concerned citizens. Mismo!
Again, para maging makatuwiran ang pagwawala nyo, mga bossing, kastiguhin nyo rin tulad ng pag-atake nyo sa MMDA ang MTPB, MDPS pati Manila Hawkers na linisin ng mga ito ang obstructions sa secondary roads. That’s it!
***
Ang sagwa siguro tingnan na ang uniporme ng mga security personnel sa NAIA ay walang bulsa? Hehehe…
Pagbabawalan din daw silang magsuot ng jacket o magdala ng bag sa erya. Araguy!!!
Ito’y para raw walang mapagtaguan ng kanilang na-nakaw o napulot mang gamit ng mga pasahero sa paliparan.
Kasunod ito ng magkasunod na kaso ng “pagnanakaw” ng mga screening officer ng Office for Transportation Security (OTS)sa NAIA kamakailan.
Ako, ang mungkahi ko ay dagdagan pa ang CCTV sa dinadaanan ng mga pasahero at dapat alerto ang mga nagmo-monitor sa CCTV. That’s it!
The post Reps. Chua at Valeriano bombahin n’yo rin ang MTPB at MDPS laban sa obstructions appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: