Facebook

TULOY-TULOY ANG LEGAL BATTLE SA PAGITAN NG MEPS AT BTI PAYMENTS

Hindi maitatatwa na nagkalat ang fake news ngayon.

Ang masaklap, dumarami ang mga nabibiktima maging ang iba’t ibang sektor, indibidwal man, pribado o pampubliko.

Nariyan din ang mga pekeng balita na nagmula lamang sa bibig at nagpapasalin-salin na sa isang iglap hanggang kakalat na.

Maihahalintulad daw d’yan ang legal battle sa pagitan ng Manila Express Payments Systems (MEPS) at BTI-Philippines Inc. (BTI).

Aba’y may kumalat kasing balita na nakipag-ayos na ang MEPS sa BTI na hindi naman daw pala totoo.

Ang MEPS, may-ari at nagpapatakbo ng “TouchPay” machines, ay nakakuha ng favorable rulings sa mga kasong inihain nito laban mga opisyal at direktor ng ilang kompanya makaraang madiskubre ang pangongopya raw ng registered utility model nito.

Kung maaalala, isa ang BTI sa mga inakusahan ng MEPS na nameke raw ng modelo ng kanilang kiosk machines.

Naglabas naman ng ruling ang Arbitral Tribunal ng Philippine Dispute Resolution Inc. (PDRI) pabor sa MEPS.

Napatunayan ng dispute body na ang BTI na pinamumunuan ni Danilo Ibarra ay nakipagsabwatan daw sa Electronic Transfer and Advance Processing Inc. (E-TAP) sa pamemeke ng registered utility model ng kompanya.

Ang pinekeng modelo raw ay ikinabit sa makina ng BTI at sa sariling sistema gamit ang brand name na “Pay & Go”.

Nakasungkit nga ang MEPS ng paborableng hatol at sinasabing inatasan ng tribunal ang BTI na bayaran ito ng higit P13.4 milyon bilang danyos.

Hindi pa rito natapos ang laban.

Aba’y umapela ang MEPS sa kaso.

Sa argumento ng kompanya, sa kabila raw kasi ng findings ng arbitral body na ang BTI ay nangopya ng makina kasapakat ang E-TAP ay bigo pa rin itong maigawad ang claims nila na nagkakahalaga ng daan-daang milyong piso.

May nakabinbin ding infringement case ang MEPS laban sa E-TAP sa Parañaque City Regional Trial Court (RTC), Branch 258.

Nakakita din daw ng sapat na batayan ang Muntinlupa RTC, Branch 203, sa pamamagitan ni Judge Myra Quiambao, para mag-isyu ng warrant of arrest laban sa mga opisyal ng Xytrix Systems Corporation (Xytrix).

Ito’y nag-ugat sa mga pagsalakay ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) noong 2021 na nagresulta sa pagkakasabat ng ilang automated payment machines na may label na “Xytrix” / “ZoomPay” machines na pag-aari ng Xytrix at pinagagana ng E-TAP.

Ipinagharap ng kasong Unfair Competition sa ilalim ng Republic Act No. 8293 si Danilo Evangelista at iba pang mga opisyal ng Xytrix.

Nasilip na ang mga “Xytrix/ZoomPay” machines ay kinopya lang din daw mula sa registered utility model ng MEPS.

Kahit inamin ng Xytrix na sa kanila ang mga kiosks ay gawa at pinatatakbo raw ito ng E-TAP.

Kasabay nito, nagbabala nga pala ang MEPS na hahabulin nito sa anumang legal na paraan ang lahat ng mga indibidwal o entities na lumalabag sa kanilang intellectual property rights.

***

Ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 FB page, at DWIZ ON-DEMAND sa Youtube tuwing araw ng Sabado sa ganap na alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon. Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, etc., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-DM sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po at stay safe!

The post TULOY-TULOY ANG LEGAL BATTLE SA PAGITAN NG MEPS AT BTI PAYMENTS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TULOY-TULOY ANG LEGAL BATTLE SA PAGITAN NG MEPS AT BTI PAYMENTS TULOY-TULOY ANG LEGAL BATTLE SA PAGITAN NG MEPS AT BTI PAYMENTS Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.